Default Thumbnail

Jeep bumaligtad; 21 pasahero sugatan

December 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 274 views

SUGATAN ang 21 pasahero nang bumaliktad ang sinasakyan nilang jeep noong Biyernes sa Sta. Ana, Cagayan.

Mga miyembro ng religious group na papunta sana sa summer camp ang mga nasugatan, ayon sa report.

Sinabi ni Sta. Ana. Cagayan Police Deputy chief Captain Elixer Reolalas na galing sa Tuao, Cagayan ang mga nasugatan at papunta sana sa Nangaramoan Beach resort nang maganap ang aksidente.

Sa salaysay ng driver ng jeep na si Victor Agcaoili, nawalan ng preno ang jeep habang binabagtas ang pababang parte ng kalsada.

Sinadya niyang ibangga ang jeep sa gilid ng kalsada para hindi ito mahulog sa bangin.

Nirentahan lang ng grupo ang jeep papunta sa lugar para magpiknik.

Ayon kay Reolalas, overloading ang isa sa mga anggulong sinisilip ng PNP dahil 39 ang pasahero nito nang maganap ang aksidente.

Nasa ospital ang mga nasugatan at nasa kustodiya ng mga pulis ang driver ng jeep para sa kaukulang imbestigasyon.