
Jean-ius glow
NAGPA-INIT na naman ng social media si Jean Bonilla, kilalang social media star at entrepreneur, matapos niyang ibahagi ang isang larawan mula sa kanyang bakasyon sa Oslob, Cebu.
Sa suot niyang pink swimsuit, buong gilas niyang ipinakita ang kanyang hot physique at mga tattoo na lalong nagpalakas ng kanyang fierce vibe.
Sa litratong ito, tila hinamon ni Jean ang araw habang naka-postura sa tabing-dagat. Ang kanyang pink one-piece swimsuit ay sakto lang sa kanyang killer curves, habang ang intricate tattoos niya ay nagbigay ng dagdag na drama at edginess sa kanyang beach-ready look.
Bumaha ng reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga at netizens. Namula ang comment section mula sa fire at heart emojis na pinaulan ng Instagram users.