JC puppy love ni Rhian
Nilinaw ni Rhian Ramos ang naging relasyon nila ni JC de Vera noong bata-bata pa sila.
Naungkat muli ang kanilang nakaraan dahil magkasama sila sa isang pelikula.
Matatandaan na na-link sina JC at Rhian noong mga panahong nasa GMA-7 pa sila ng aktor at halos kasisimula pa lang nila sa kanilang showbiz career.
Nang makapanayam nga namin recently si JC ay inamin niyang nag-date-date sila ni Rhian that time.
Sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kung saan nag-guest si Rhian, natanong siya ni Boy Abunda kung ano ba ang naging relasyon nila ni JC noon.
“Once and for all, ito. We worked together when I was 17 to 18 years old in ‘LaLola,’ and then para sa akin, nu’ng time na ‘yun, oo, magdyowa kami,” sey ni Rhian.
“At the time, ako, this is what boyfriend-girlfriend is. Parang ‘yun ‘yung concept ko. This is love, this is what boyfriend-girlfriend is. When you’re at that age talaga. Parang kasi, ‘yung age ko na ‘yun, I would’ve been in high school siguro,” dagdag niya.
Pero ngayong mas matanda at mature na siya ay naisip niyang baka puppy love ang meron siya noon with JC. Kahit nga raw hanggang ngayon, kapag tinatanong sila tungkol dito ay hindi rin sila sure sa sagot.
“Kunyari magkatabi, may presscon, tapos tinatanong kami about it, parehas kaming ‘Hindi ko na po kasi masyadong maalala ‘yung time na ‘yun, eh,’” saad ni Rhian.