JC ‘Kap’ ang tawag kay Gerald
“KAP” pala ang tawag ni JC de Vera kay Gerald Anderson as in short for “Captain.”
Unang nagkasama ang dalawa sa 2017 horror movie na “Halik sa Hangin” pero ngayong 2024, muli silang magkakasama sa bagong Kapamilya series na “Nobody” na kabilang sa mga unang pasabog ng ABS-CBN sa 2025.
Kwento ni JC sa intimate interview matapos mag-renew ng two-year contract sa ABS-CBN, “I call him ‘Kap’ for ‘Captain.’ Kasi working with him, okay talaga ‘yung leadership ni Gerald kasi. Kapag meron siyang ginagawang project, expect mo na he will lead the show. He will lead the people. He’ll set the tone para sa aming lahat para, alam mo ‘yon, gandahan, mag-focus kami lahat sa kung ano ang kailangan naming gawin. Ganu’n siya.”
Action drama ang “Nobody” sa ilalim ng direksyon nina Benedict Mique at Rae Red para sa JRB Creative Production.
Ayon kay JC, kakaibang karakter ang gagampanan niya rito gayundin si Gerald.
Hindi lang niya maidetalye ang papel niya pero good boy role umano ito.
“‘Yun naman ang kagandahan ng doing projects with the Kapamilya channel. Palagi nilang tina-try na i-stretch ‘yung range ng mga actors. So for Gerald, of course, pahihirapan talaga si Gerald dito. Oo, ita-try talaga nilang i-stretch ‘yung kakayahan niya. What I can say right now is it’s gonna be interesting and challenging and something fresh. It’s not the usual character na pinu-portray ko.”
Bale second time na rin ni JC na makatrabaho si Direk Benedict. Ang una ay sa “Nag-aapoy na Damdamin,” ang pang-hapong soap na kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5 last year.
Sakto naman dahil sa ngayon, anang aktor, sinusubukan talaga niyang tumanggap ng mga proyekto na wala sa kanyang normal range. Tulad na lamang daw ng pelikulang “In Thy Name,” na dinirek naman ni Cesar Soriano at sa susunod na taon din ipapalabas.
Maliban dito, meron pa siyang isang pelikulang malapit nang ipalabas, ang “‘Wag Mo Kong Iwan,” kung saan balik-tambalan sila ni Rhian Ramos kasama si Tom Rodriguez.
“Sa tingin ko makaka-relate dito ang mga OFW, middle-class people na nagsasakripisyo sa buhay para lang makahanap ng trabaho,” sey JC sa reunion movie with Rhian, na huli niyang nakatrabaho sa “La Loma” noong nasa GMA-7 pa siya.