Jay Manalo

Jay, naisip magretiro bago bumalik sa Viva

June 25, 2021 Ian F. Fariñas 544 views

AMINADO si Jay Manalo na sumagi na rin sa isip niya ang pagreretiro bago pa dumating ang alok na siya ay muling pumirma sa “original bahay” niyang Viva Entertainment.

Yes, balik-Viva nga si Jay sa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA).

Sa virtual presscon kamakailan, sinabi ng aktor na ang pamilya ni Boss Vic del Rosario ang talagang nagsilbing magulang niya nu’ng nagsisimula siya sa showbiz katuwang ang discoverer niyang si Rey Cañete.

“Parang kinukuha lang nila uli ang kanilang anak,” pahayag pa ng aktor na ang plano sa dapat sana’y pagreretiro ay mag-concentrate na lamang sa pagiging family man sa limang naglalakihang anak.

Baon ang dalawang dekadang pananatili sa industriya, bukas si Jay sa mga bagong proyekto at muling pakikipagtrabaho sa mga gaya nina Maui Taylor at Joyce Jimenez.

Bilang isang self-confessed Netflix addict, pangarap din ni Jay na makasabay ang Pinoy movies sa matatagumpay na panoorin sa buong mundo.

Ayon sa kanya, kailangan maging mas dynamic ang mga local writer para hindi pare-pareho ang istoryang napapanood sa TV man o pelikula.

Importante rin daw para mapalago ito ang suporta ng gobyerno na sa palagay niya ay kulang pa sa ngayon.

ELLA AT JULIAN, MAGSASABOG NG KILIG SA ‘THE WALL…’

MAPUPUNO ng kilig ang paligid dahil ngayong Sabado, ang perennial loveteam nina Ella Cruz at Julian Trono ang sasalang at makikipagmatigasan sa The Wall Philippines sa bago nitong timeslot, alas-nuwebe ng gabi, sa TV5.

Magbunga nga kaya ang pagiging palaban nina Ella at Julian sa The Wall kasama ang host na si Billy Crawford?

Sila na kaya ang susunod na maswerteng mag-uuwi ng milyong premyo?

Abangan ang maaksyon at punumpuno ng emosyong episode ngayong gabi kasama sina Julian at Ella sa The Wall Philippines sa inaabangang Todo Max Weekend ng Kapatid network.

Samantala, ang cast naman ng sitcom na John en Ellen ang makikigulong sa saya at swerte na hatid ng bagong Viva TV game show na Rolling In It Philippines, hosted by Yassi Pressman, 7 p.m., sa TV5.

Ang John en Ellen players ay pangungunahan ng ilan sa lead stars nito na sina John Estrada, Long Mejia, Haiza Madrid, atbp.

AUTHOR PROFILE