Javi ‘closed for renovation’ ang puso
Hindi pa ready magmahal muli si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez matapos ang breakup nila ni Sue Ramirez.
Ayon kay Javi sa kanyang Facebook post, closed for renovation ang puso niya. Ito ay bilang sagot sa mga nag-a-apply na maging girlfriend niya.
“Sa mga ga-submit sang application para mangin girlfriend ko, ‘Closed for Renovation’ pa kita subong!” sey ni Javi.
Sey pa ng ex ni Sue, sa ngayon ay naka-focus siya sa trabaho at sa kampanya para sa nalalapit na eleksyon.
“Focus lang kita sa ubra kag kampanya anay,” aniya.
Nagbigay din siya ng mensahe sa mga Marites na relax lang at huwag manguna.
“Mga Maritess, relax lang kamo ha, indi gid kamo mag-una! ” sey ni Javi.
Matatandaang kinumpirma ng alkalde sa Instagram a few days ago na four months na silang hiwalay ni Sue.
Ito ay matapos mag-trending ang video ng aktres kung saan mapapanood na naghalikan sila ni Dominic sa isang bar sa Siargao.
Ayon sa official statement ni Javi ay maayos ang kanilang naging hiwalayan, walang third party at mananatili sa kanyang puso ang magaganda nilang alaala ni Sue.