Jason

Jason at Vickie, 2021 pa engaged

June 3, 2022 Jun Nardo 102 views

LUMA na pala ’yung engagement ng showbiz couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton. September 2021 pa naganap ang engagement pero delayed ang balita at nitong nakaraang araw lang lumabas, ayon sa report.

Eh, sa mga balita tungkol sa showbiz couples, hindi pa rin maka-get over ang karamihan sa hiwalayang Moira de la Torre at asawang Jason Hernandez.

Ang isa pang couple na pinag-uusapan ay nang maglabas ng cryptic post si Tom Rodriguez sa socmed ng picture ng isang kadena na putol sa gitna.

Senyales ba ’yon na wala nang pag-asang magkabalikan si Tom at ang asawang si Carla Abellana dahil malaya na sila sa isa’t isa?

Ongoing na ang proseso ng annulment ng kasal nina Carla at Tom matapos maghiwalay after three months of marriage, huh!

MAGSOSOSYO

MALAPIT nang magsosyo sina Bianca Umali at Ken Chan.

Ang magsosyo sa negosyo ang planong gawin nina Bianca at Ken ngayong tapos na ang tambalan nila sa Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Bukod sa pagiging artista, isa ring negosyante si Ken. May franchise siya ng isang gas station at may ilan na siyang naipatayong branches.

May resto business din siya kaya maraming matututunan si Bianca sa negosyo.

AUTHOR PROFILE