Jao hindi akalaing magiging leading man ng mas batang aktres

June 30, 2021 Aster Amoyo 833 views

Rhen EscanoAT 45, handa na ang isa sa mga matinee idols nung dekada nobenta na si Jao Mapa na gumanap sa mga supporting roles at kasama na rito ang mga father roles. Pero laking gulat ng actor-painter nang siya ang mapisil ng Viva Films na maging leading man ng Viva young star na si Rhen Escano sa pelikulang “Kung Hindi Man” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas.

“Matagal na akong gumagawa ng mga father and supporting roles,” aniya.

“Kaya never ko nang inisip na makakagawa pa ako ng pelikula na ako ang leading man lalupa’t alam naman natin na marami na ang mga bagong sibol na young actors ngayon.”

Dahil required ng isang much older kay Rhen, si Jao ang pinili ng Viva na ipareha sa kanya.

“Napakahusay na aktres ni Rhen,” pahayag ni Jao.

Rhen was launched by Viva in the 2019 erotic-suspense-thriller movie “Adan” along with former beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda na dinirek ni Roman Perez, Jr. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang kanyang ginawang mga pelikula despite the pandemic tulad ng “Untrue” at ilan pang pelikula na hindi pa naipapalabas including “Spellbound,” “Rooftop” and “The Other Wife” kung saan sila nagpatagisan ng galing ni Lovi Poe.

Jao entered showbiz in 1993 when he was in his teens nang siya’y mapabilang sa dating top-rating and long-running sitcom ng ABS-CBN, ang “Palibhasa Lalake” na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada at iba pa. Napasama rin siya sa youth-oriented program ng Kapamilya network, ang “Ang TV” na pinagmulan ng maraming established stars na ngayon ng ABS-CBN.

Sa pictorial ng Bench siya namataan ng yumaong talent manager-producer na si Douglas Quijano at agad siya isinama sa “Palibhasa Lalake.”

Natutuwa si Jao na tinulungan siya ni Douglas sa kabila na may iba siyang manager, ang namayapang PR specialist at talent manager na si Vera Isberto.

Bago nag-showbiz si Jao ay may ginawa na rin siya noong TV commercials na nadagdagan pa nang makilala siya bilang isa sa Guwapings na kinabibilangan noon nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Isa sa mga major TV commercial na ginawa noon ni Jao ay ang Pepsi na kinunan pa sa India at dinirek ng isang Indian director.

“We were in India for nine days just to shoot the Pepsi commercial,” pagbabalik-tanaw ng actor-painter.

Jao was at the peak of his career nang siya’y pansamantalang huminto sa kanyang showbiz career para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of Sto. Tomas where he finished Fine Arts major in Advertising. Pero bago pa man siya nagtapos ng kanyang college ay pinakasalan niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Cecile nung December 20, 2002 at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak – sina Benjamin (18), Caleb (15) at si Stacey (14). Sa tatlo, ang pangalawa ang may leaning mag-showbiz.

After five years ay doon lamang binalikan ni Jao ang kanyang showbiz career.

“Ibang-iba na ang landscape ng showbiz at that time,” pag-amin niya.

“Siyempre, marami nang mga batang actor na magagaling,” pahabol niya.

Hindi ikinakaila ng actor-painter na hindi siya naging tapat sa kanyang wife na si Cecile because he was seeing other girls. But realization struck him nang magka-pandemya. He had practically nothing except his family. Dito nagsimulang maging madasalin si Jao and he prayed the rosary practically almost everyday. Sa kanyang dasal ay humingi siya ng tawad sa Diyos sa kanyang pagiging unfaithful sa kanyang wife. Ipinangako niya sa Diyos na magiging tapat na siya sa kanyang misis at sa kanilang tatlong anak, ang kanyang mga inspirasyon kung bakit ganado siya sa kanyang pagbabalik-showbiz.

During the lock-in period nung isang taon , binalingan niya ang pagpipinta at ang kanyang mga finished products ay kanyang pinost online at sa kanyang social media accounts at marami siyang nabenta.

“Naka-survive kami ng pamilya ko dahil sa paintings ko,” pag-amin niya.

Naging maganda naman ang pasok sa kanya ng taong 2021 when he was signed-up by Viva. He was included in the TV adaptation ng pelikulang “Puto” na pinagbidahan ng actor-politician na si Herbert Bautista na siya ring bida sa TV series of same title along with McCoy de Leon kasama ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez; Jojo Abellana at iba pa at kung saan may special guest appearance sina Janno Gibbs, Bing Loyzaga at Gelli de Leon. Ito’y pinamamahalaan ni Raynier Brizuela at palabas sa TV5 every Saturday at 6 p.m.

Samantala, kapansin-pansin na Filipino-themed ang mga ipinipinta ni Jao tulad ng pamilya, labandera, pista, kusinera, mangingisda, bangkero, barbero at iba pa.

Joaquin ayaw gamitin ang screen name ng ama

MARAMI ang humanga sa young Kapuso actor na si Joaquin Domagoso nang hindi nito gamitin ang popular screen name ng kanyang actor-politician dad na si Mayor Isko Moreno ng Maynila at sa halip ay ginamit nito ang kanyang tunay na pangalan. His father’s real name is Francisco Moreno Domagoso at ang kanyang screen name ay Isko Moreno na siyang kilala at alam ng publiko.

Si Joaquin ang love interest ni Cassy Legaspi sa “First Yaya” TV series na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na magtatapos na sa ere ngayong Biyernes, July 2. Dahil sa nasabing serye ay naging malapit sa isa’t isa sina Joaquin at Cassy at malamang na silang dalawa ang i-build-up ng GMA bilang magka-loveteam. Pero nali-link din si Cassy sa Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Sandro gustong makilala bilang siya

HINDI ikinakaila ng 20-year-old Kapuso young actor na si Sandro Muhlach na may pressure sa kanya ang apelyidong Muhlach dahil tumatak ang mga pangalang Nino Muhlach at Aga Muhlach at mga cousin niyang sina Almira Muhlach, AJ Muhlach, Andrew Muhlach at tiyahing si Arlene Muhlach. Paternal grandma niya ang yumaong movie queen na si Amalia Fuentes who is Amalia Muhlach in real life.

 Sandro Muhlach

“While I am proud of being the eldest son of the `child wonder’ and child superstar na si Nino Muhlah at pamangkin ng isang Aga Muhlach, nakakaramdam ako ng pressure dahil hindi talaga mawawala ang comparison,” pag-amin ni Sandro na kuya ng child star na si Alonzo Muhlach.

“Pero sana mabigyan ako ng chance na makilala hindi bilang anak ni Nino Muhlach o pamangkin ni Aga Muhlach kundi dahil sa sarili ko ring kakayahan,” patuloy niya.

Si Sandro ay panganay na anak ni Nino sa kanyang ex-wife na si Edith Millare na may ibang pamilya na sa New York City, USA.

Si Sandro ay nasa pangangalaga ngayon ng GMA Artist Center.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo for updates and follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE