Paraluman

Jao, binuhay ang pamilya sa pagbebenta ng painting

September 1, 2021 Vinia Vivar 283 views

Nagbabalik sa limelight ang ’90s heartthrob na si Jao Mapa sa pamamagitan ng pelikulang Paraluman ng Vivamax.

Matatandaang isa si Jao sa mga pinakasikat na aktor during those times at desisyon niya ang umalis sa showbiz noong taong 2000 para mag-aral.

Sa virtual mediacon ng Paraluman ay inamin ni Jao na talagang mahirap na desisyon ang ginawa niyang paglisan sa showbiz at nahirapan din siyang mag-adjust.

“It was really a decision I made for myself dahil gusto ko actually na magpahinga after seven years in the entertainment business and I wanted to finish my studies in college,” aniya.

Nagawa naman daw niya dahil nakapagtapos siya sa University of Santo Tomas ng Fine Arts major in Advertising.

During those times na hindi siya aktibo sa showbiz ay nagsimula raw siyang mag-paint at ito ang bumuhay sa kanyang pamilya lalo na ngayong pandemic.

“I started painting and I started selling may paintings online. And to tell you the truth, siya ang sumalba sa pamilya ko – paid for the bills, putting food on the table, etcetera,” ani Jao.

Hindi raw siya nagsisisi sa kanyang naging desisyon lalo na nga nang nabigyan siyang pagkakataon ngayon na makabalik sa showbiz.

“Ang nakita ko, parang ginusto ito ng Diyos para sa akin,” he said.

Dagdag pa niya, “This whole journey, from the time I stopped from showbiz up to this day is a message from God for me. And not only that He said na ‘hindi mo dapat pagsisihan ang desisyon mo dahil ibabalik kita sa pinanggalingan mo.’”

Sobrang thankful ni Jao na out of the blue nga ay biglang nag-offer sa kanya ang Viva Films na maging leading man ni Rhen Escano sa pelikulang Paraluman.

“This is all a blessing, this is already a dream come true. Getting back is no joke. I know there are lot of deserving artists but the offer was given to me and I accept that this is a blessing talaga,” aniya.

Dahil isang sexy romance movie ang Paraluman, may maiinit ding eksena rito sina Jao and Rhen na ayon nga sa aktor ay hindi na rin bago sa kanya dahil gumawa na rin siya ng mga ganitong eksena sa pelikulang Matrikula with Rosanna Roces before.

Bukod kay Jao, nagbabalik din ang premyadong direktor na si Yam Laranas na mas nakilala sa kanyang award-winning thrillers at horror films tulad ng Sigaw, Aurora at Death of a Girlfriend.

This time ay balik-romance movie naman siya na matagal na niyang hindi nagagawa.

Magsisimula nang mapanood ang Paraluman sa September 24 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE