
Janno sinagot ang akusasyon ni Sen. Jinggoy
KAHIT mahigpit ang bilin ng Viva management sa host na si Phoebe Walker na huwag magtatanong ng political questions sa nakaraang mediacon para sa bagong series na “Wow Mani” para sa VMX, pinilit sumagot ng comedian at TV host na si Janno Gibbs sa tanong tungkol sa opinyon ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat ipatigil ang VMX (Vivamax) sa pagpapalabas ng mga diumano’y pornographic materials.
Ayon sa senador, bukod dito, may nagaganap diumanong pang-e-exploit sa mga VMX stars hindi lamang sa paggawa ng mga sex contents kundi maging ang kanilang mababang talent fee.
Nauna na sa mediacon, may ilang Vivamax actress at actors na ang nagtanggol sa VMX at sa Viva Artists Agency (VAA) hinggil sa mga naging pahayag ni Sen. Jinggoy. Wala umanong explotation dahil un, nasa edad na sila at pangalawa, wala namang pumipilit sa kanila na gawin ito
Bilang tugon naman, nagsalita si Janno tungkol sa mga naturang akusasyon ni Sen. Jinggoy sa kanyang privilege speech sa Senate last December.
Ayon kay Janno, isang private platform ang VMX at “accessible” lamang sa mga adults, “Senator Jinggoy is doing his job, he is doing it very well. He has all the rights sa opinions.
“Ako personally, opinion ko VMX is not a public viewing venue. It is a private venue. Magbabayad ka. ‘Di public eh. Naka-childlock eh, you need a card,” he said during the press conference of “Wow Mani.”
Patuloy niya, “There is nothing on VMX you cannot see on Netflix. Se-censor din ba nila? Sometimes more pa nga sa Netflix.”
“VMX has given these girls what they don’t get in other field, mainstreams. For a lot of them, this is a great stepping stone. Ang daming binibigay na trabaho sa kanila ng VMX.
“Most of the movies are directed and written by well regarded directors and writers…quality-wise maganda siya,” pagtatanggol pa niya.
Nagpaliwanag si Janno bilang pagtatanggol na rin sa mga VMX stars tulad nina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole, Nicco Locco, at Aerol Carmelo na mga kasama niya sa bagong gag show.
Samantala, may 12 episodes nang nakahanda para sa unang season ng “Wow Mani” (na obviously ay sexier version ng dating ‘Wow Mali’ ni Joey de Leon). Pinangungunahan ito ni Janno na may dalawang karakter na gagampanan: si Injanno Jones, isang adventurous na explorer, at si Janno Depp, isang quiz master.
Isa sa mga segment ng ” Wow Mani” ang Battle of the Braless kung saan ang mga contestant ay sasalang sa isang quiz at kapag hindi nasagot ang tanong ay tatanggalin ang isa sa saplot ng katawan.
Napapanood na ang “Wow Mani” sa VMX streaming app.