
Janno ‘nilunod’ sa 20 VMX stars
TINAMBAKAN ng halos 20 VMX stars si Janno Gibbs sa gag show niya sa VMX na “Wow Mani.”
May panablang isa, si Lotlot Fajardo, na sidekick ng character ni Janno na Injanno Jones pero kwela naman ang dating, huh!
Malulunod si Janno sa sexy stars na kasama niya sa show gaya nina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Krista Miller, Yda Manzano, Salome Salvi at iba pa.
Bagay si Janno bilang host ng “Wow Mani” dahil sa pagiging pilyo niya lalo na pagdating sa babae. Lalo pa nga’t ang ilan sa segments ng show ay tinawag na Battle of the Braless, Tricky Girl, Steam Bath gag at Tirsong Tuso sketch.
Siyempre, maraming sexy outfits ang VMX stars na mapapanood sa season na nagsimula na last January 7 at may bagong episode tuwing Martes.
Of course, walang problema sa asawa ni Janno na si Bing Loyzaga kung mapaligiran man ang asawa niya ng santambak na nggseseksihang babae dahil trabaho lang ang ginagawa niya.
Mula sa direksyon ni Dominador Isip III ang “Wow Mani.”
BAGUHAN KUMALAS SA SPARKLE
KUMALAS na pala sa Sparkle ang baguhang si Dylan Menor. Kilala mo ba siya, Ian F.?
Sa post ng One News, pumirma si Dylan sa MVP Group through Stages Talent Agency.
Dinaluhan daw ito ng executives mula sa Cignal TV, MQuest Ventures, Smart Communications, MWell, Kayana Solutions at Stages Talent Agency.
Sa photos, may costume changes si Dylan kapag ibang executive na ang kasama sa photo-op.
Sana, eh, tama ang desisyon ni Dylan na iwan ang Sparkle matapos siyang bigyan ng break sa youth series ng GMA na “MAKA.”