69

JANNO, NAKA-DEVIRGINIZE NG TOMBOY

August 28, 2021 People's Tonight 598 views

WALANG kagatul-gatol at game na game na inamin ni Janno Gibbs na nakatikim na siya ng tomboy sa totoong buhay.

Sa virtual mediacon para sa kanyang latest starrer, ang Vivamax exclusive sex-comedy na 69+1, nilinaw ng singer-comedian na nangyari ito nu’ng binata pa siya.

“Iba, kasi ako ’yung first niya, eh. So, before me, ano talaga siya, lesbian talaga siya and ngayon, balik siya uli sa ano, lesbian siya uli,” dagdag paliwanag ni Janno.

Napag-usapan ang tungkol dito dahil nga may lesbianism sa temang polyamory ng 69+1 kung saan kasama ni Janno sa cast sina Maui Taylor at Rose Van Ginkel bilang magdyowang tibo.

Nang tanungin kung sa totoong buhay ay papayag o iku-consider ni Janno ang ganitong klase ng pakikipagrelasyon, sinabi niya na napagkukuwentuhan, nababanggit casually na “parang what if” lang.

Ang 69+1 na mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap ay may global premiere sa Vivamax sa September 3.

AUTHOR PROFILE