
Janno, nagpasalamat sa mga nakikiramay sa pagkawala ng ama
Punung-puno ng pasasalamat ang Instagram Story ni Janno Gibbs para sa mga taong nakikidalamhati sa pagpanaw ng amang si Ronaldo Valdez.
Ipinost ni Janno ang mga bulaklak na ipinadala nina Kathryn Bernardo, Atty. Leni Robredo, mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Sen. Jinggoy Estrada, celebrity couple Coco Martin at Julia Montes, gayundin ang mass card na ipinadala naman ng mag-asawang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.
Sa caption ay ipinahayag ng singer/actor ang pasasalamat niya sa mga taong nabanggit.
Pumanaw si Ronaldo last Sunday, Dec. 17, sa edad na 77. Bagama’t maraming kumakalat na kwento tungkol sa sanhi ng kanyang kamatayan ay wala pang opisyal na pahayag ang pamilya tungkol dito.