Janno humihingi ng pang-unawa, Kathryn sobrang nalungkot sa pagkamatay ni Ronaldo

December 18, 2023 Aster Amoyo 611 views

ValdezValdez2Valdez3Valdez4TULUYAN nang nagsara ang small and big screen sa veteran TV and movie icon na si Ronaldo Valdez, (Ronald James Dulaca Gibbs in real life) nang ito’y sumakabilang-buhay sa kanyang tahanan in Quezon City nung nakaraang linggo ng hapon , December 17, 2023. He was 76.

Wala pang detalyeng nilalabas ang pamilya ni Ronaldo as to the cause of his death.

Iniwan ni Ronaldo ang kanyang wife na si Maria Fe `Baby’ Gibbs, dalawang anak, ang singer-songwriter, actor-comedian and director na si Janno at ang singer-actress na si Melissa Gibbs at mga apo. Ang kanyang misis na si Baby Gibbs ay nakababatang kapatid ng yumaong Sampaguita Pictures star na si Liberty Ilagan na nagmula sa pamilya ng showbiz royalty ng mga Ilagan na kinabibilangan din ng mga yumaong actor na sina Robert Arevalo, Jay Ilagan at iba pa.

It was only last August 10, 2023 nang sumakabilang-buhay naman ang kanyang cousin brother-in-law, ang veteran actor na si Robert Arevalo due to lingering illness at age 85.

Taong 2015 nang kanyang tanggapin ang Helen Vela Lifetime Achievement Award for Drama mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press.

Makailang beses na rin siya nakatanggap ng nominasyon for Best Supporting Actor mula sa iba’t ibang award-giving bodies para sa iba’t iba niyang pelikulang nagawa.

Ilan sa mga prominent films na kanyang nagawa include “Cedie,” “The Mistress,” “The Flor Contemplacion Story,” “Seven Sundays” at iba pa. Huli naman siyang napanood sa hit TV series na “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Isa rin si Ronaldo sa mga nalungkot nang kanyang mabalitaan na nagkahiwalay na dalawa na naging close sa kanya nang gawin nila ang teleseryeng “2 Good 2 Be True” nung isang taon kung saan nakilala siya as “Lolo Sir” ng character na ginampukan ni Kathryn. Nagpakita rin ang veteran actor ng suporta sa kanyang `apong’ si Kathryn during the red carpet premiere ng pelikulang “A Very Good Girl” na pinagsamahan nila ni Dolly de Leon. Sobrang nabigla at nalungkot ang Kapamilya prized star na si Kathryn sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang mahal na`Lolo Sir’.

Samantala, nag-post si Janno Gibbs sa kanyang FB page ng mensahe para sa lahat na may kinalaman sa pagpanaw ng kanyang ama:

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated.”

Marami ang naiyak sa pelikula nina Alden at Sharon

SharonMARAMING dumalo sa red carpet premiere night ng MMFF inspiring family drama movie na “A Family of Two (A Mother and Son Story)” na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma in Quezon City last Sunday evening ang hindi napigilan ang maluha sa mga nakakaiyak na eksena ng mag-inang ginampanan nina Sharon Cuneta at Alden Richards mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario at direksyon ng box office director na si Nuel Naval under Cineko Productions.

Ang pelikulang “A Family of Two (A Mother and Son Story)” ay dedicated ni Alden sa kanyang yumaong ina na sumakabilang-buhay 15 years ago na siyang nangarap for her son na maging artista balang araw. Although natupad ang kanyang pangarap for her son, hindi na nito inabutan ang pagpasok ni Alden sa showbiz in 2009, a year after his mother’s death nang sumali si Alden sa reality talent show ng GMA, ang “StarStruck”.

Ang urn ng yumaong ina ni Alden ay prominently displayed sa isang corner sa second floor den kasama ang framed picture nito ng kanilang two storey house.

Ayon sa singer, actor, celebrity endorser, host at entrepreneur, ang kanyang namayapang ina ang kanyang naging inspirasyon para tuparin ang pangarap nitong mapasok ang showbiz.

“She would be very happy and proud kung siya’y nabubuhay pa,” pahayag ni Alden who will be celebrating the Christmas holidays with his family in the US.

Naniniwala ang singer, actor, celebrity endorser at entrepreneur na patuloy umano siyang ginagabayan ng kanyang yumaong ina.

Samantala, nagkaroon ng instant rapport sa pagitan nina Sharon at Alden nang gawin nila ang pelikulang “A Family of Two (A Mother and Son Story)”. Nakahanap ng mother figure si Alden sa kanyang Mama Sharon habang anak naman ang turing sa kanya ngayon ng megastar.

Maraming celebrities at personalities ang sumuporta sa movie nina Sharon at Alden na matutunghayan na sa maraming sinehan simula ngayong December 25. Naroon sina Coco Martin, Ogie Alcasid, John Arcilla, Nonie Buencamino and wife Shamaine Buencamino, GMA’s Jessica Sojo, movie directors Joel Lamangan ang Irene Villamor, Malou Santos, Arnold Vegafria at iba pa. Naroon din ang mister ni Sharon, ang dating senador na si Kiko Pangilinan at anak na si Miel na very proud sa naging performance ng megastar.

For sure, malakas ang laban nina Sharon at Alden sa darating na Gabi ng Parangal for Best Actress and Best Actor gayundin din sina Direk Noel at Mel for Best Director and Best Story and Screenplay. Hindi rin malayo itong manalong Best Picture pero magiging tight ang labanan dahil pawang magaganda ang sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival at kung saan din may laban ang ibang lead stars ng ibang kalahok,

“Ang mahalaga ay nakagawa kami ng magandang pelikula na maibibigan ng lahat laluna ng bawat pamilya,” pagmamalaki pa ni Alden.

Alden nagpaulan ng papremyo

Alden1Alden2BAGO ang red carpet premiere night ng pelikulang “A Family of Two (A Mother and Son Story)” last Sunday evening ay nag-host si Alden Richards ng lunch thanksgiving get-together with the entertainment media and vloggers na ginanap sa bagong bukas na Startdust Bar Café in Jupiter St., Makati City kung saan isa siya sa mga may-ari.

Bukod sa mass and sumptuous food, nagpaulan si Alden ng maraming pa-raffe at walang umuwing luhaan dahil umabot pa sa second round ang pa-raffle.

Ang mga ito’y bilang pasasalamat ni Alden sa mga taga entertainment media and vloggers na patuloy na sumusuporta sa kanya in his 13 years in the industry. Ito’y magsisilbi na ring advance birthday treat niya as she is turning 32 on January 2, 2024.

Ang pagiging grounded and professional ni Alden ang rason kung bakit sunud-sunod na blessings ang patuloy na dumarating sa kanya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE