
Janno, ’di ipapanood sa pamilya ang ‘69+1’
Aminado si Janno Gibbs na nagkaroon siya ng reservations nang i-offer sa kanya ang pelikulang 69+1 dahil sa sensitibong tema nito na tungkol sa polyamory o trouple.
“But the key is Darryl Yap (the director). ’Pag sinabi mong Darryl Yap, siguradong maganda at siguradong patok,” ani Janno sa virtual mediacon para sa pelikula na ginanap last Tuesday.
Sa pelikula ay may love scenes si Janno with Maui Taylor at sa baguhang si Rose Van Ginkel pero hindi naman daw naging malaswa ang execution.
“May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is it’s all presented in a comedic way kaya naman mas nakampante ako.
Hindi naman siya ’yung serious na sexy. It’s a sex comedy which makes it more comfortable for me,” sey ng singer/comedian.
Ayon naman kay Rose, isa nga raw sa fave parts niya sa pelikula ay ang love scenes nilang tatlo.
“Masasabi ko, ’eto ‘yung dapat na abangan nila. Buti na lang comedy siya, kasi parang napadali po sa aming lahat,” ani Rose.
Sey naman ni Maui tungkol sa nasabing love scene, “Ito ‘yung pinaka-fun part ng movie, magugulat kayo ’pag napanood n’yo ‘yung film.”
Pinuri naman ni Janno ang dalawang girls sa pagka-professional ng mga ito.
“Sobrang dali na gawin ‘yung scenes because they’re 100% dedicated to the film,” sambit ni Janno.
Asked kung ipapanood ba nila ang pelikula sa kanilang pamilya, ayon kay Maui, walang problema sa kanya kahit panoorin pa ito ng kanyang mga anak dahil proud naman daw siya sa lahat ng pelikulang ginawa niya. Besides, hindi na rin naman daw maitatago ito especially sa panahon ngayon na pwedeng mapanood sa internet lahat.
“I’ve never felt na there’s no need for them to watch it. I’m always proud of all the movies that I’ve done and I know that doing such films, you know, it’s just a role that I play,” sey ni Maui.
On the other hand, inamin naman ni Janno na hindi niya ito ipapanood sa pamilya niya lalo pa nga’t puro babae ang mga anak niya.
“Although naiintindihan nila, but it’s awkward to actually watch your dad,” ani Janno.
Mapapanood na sa September 3 ang 69+1 sa Vivamax.
BEA: I WANT TO SHARE MY HAPPINESS
Kinumpirma na nga ni Bea Alonzo ang relasyon nila ni Dominic Roque although sa US pa lang naman talaga ay confirmed na rin naman ito base sa mga post nilang dalawa.
Pero this time, galing mismo na sa bibig ng aktres nang makapanayam siya ni Nelson Canlas for 24 Oras.
“It’s not like I was trying to hide it or ano, I think I was trying to be careful kasi given my past experience, siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago gawing alam mo ‘yun, official kaagad, kagaya nga ng sinasabi nila, public or official,” ani Bea.
“But naisip ko rin, siyempre, parang we only live once and you know, happiness is best when shared. I want to share my happiness,” she added.
Masaya rin si Bea sa positive feedbacks ng mga tao sa relasyon nila ni Dominic at marami rin silang kaibigan na na-happy for them.