Paunine

Janine sa rumored Rayver-Julie Anne romance: I’m not really updated

March 17, 2022 Ian F. Fariñas 184 views

KUNG sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, eh, panay ang post sa socmed at kulang na lang ang pormal na pag-amin sa relasyon, sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez naman, panay real talk lang ang isinasagot tuwing uuriratin ng press sa estado ng relasyon nila ngayon.

Gaya na lamang sa virtual mediacon ng upcoming US tour nilang OA sa Love in the USA, kung saan guests sila ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid, diretsa at walang paliguy-ligoy ang dalawa sa mga tanong sa kanila.

Inusisa kasi si Janine tungkol sa rumored Rayver-Julie Anne romance at sabi ng dalaga, “Wala po akong alam du’n. I’m not really updated.”

Si Paulo naman, “we have a really good friendship” ang tugon nang paaminin tungkol sa status ng relationship kay Janine.

Masaya raw ang PauNine na patuloy silang nakakapagtrabaho na magkasama mula nang uminit ang kanilang tambalan sa ABS-CBN series na Marry Me, Marry You.

Ngayong magkakasama sila ng ilang panahon sa Amerika para sa OA sa Love…, siguradong marami na namang ispekulasyon ang maglalabasan tungkol sa relasyon nila.

Kung si Paulo ang tatanungin, bet niyang isama si Janine sa Star Wars Galaxy kung magkakaroon ng chance na malibre ang schedule nila. Bukod doon, balak ding makipagkita ng aktor sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

Hindi pa nga lang sigurado kung maisasama’t maipakikilala si Janine sa bagets dahil so far, hindi pa naaayos ng dalaga ang magiging itinerary niya sa Amerika’t gusto niyang sulutin ang biyahe habang naroroon sila.

Magbibigay na lang daw ng update si Janine sa Instagram oras na nandu’n na sila.

Anyway, ang OA sa Love in the USA ay itatanghal sa Alex Theater, Glendale, sa March 26. Susundan ito ng performances sa Sycuan Casino, San Diego sa April 2 at Moronggo Casino, Cabazon sa April 3.

AUTHOR PROFILE