Paulo

Janine-Paulo lie detector test, nakakakilig

June 16, 2022 Vinia Vivar 289 views

Nakakaaliw at nakakakilig ang video nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan ay sumabak sila sa lie detector test. Lahat kasi ng sagot ng aktres ay nakuryente siya meaning, puro “lie” habang ang leading man naman niya ay puro “truth.”

Sa first question pa lang na “sino ang mas magaling lumandi sa ating dalawa” ay “lie” na agad ang sagot ni Janine.

Ang isinagot niya ay si Paulo at nakuryente siya.

Sabi ni Paulo, “You have to stop lying, you just have to be honest.”

Iginiit naman ni Janine na hindi siya nagsisinungaling.

Isa pang tanong ni Paulo kay Janine ay “do you think I am good at what I do?” na sinagot ng aktres ng “yes” pero nakuryente rin siya.

Isa pang tanong ni Paulo, “Have you ever heard rumors about me that you never told me about?”

Sagot ni Janine, “Parang no. Parang I’ll ask you.”

Pero mali na naman ang sagot ng aktres kaya sabi niya, “This is so bad, this is rigged!”

Sabi na naman ni Janine, “If I hear something about him, I’ll ask him, ’di ba?”

Sagot naman ni Paulo, “Yeah. I never lie, so I’ll never lie to you. Oh, yeah, being in showbiz, you just learn to brush everything off.”

May tanong naman si Janine kay Pau na “be honest, do you find me attractive?” Sagot ng aktor, “of course” at hindi siya nakuryente.

Sa tanong kay Janine na “have you imagined being in a relationship with me?” ang sagot ng aktres ay “yeah, of course. Siyempre, nag-shooting tayo, eh.”

Tanong ulit ni Pau, “So, working relationship?”

Sagot ni Janine, “Hindi. I mean…”

Tanong na naman ni Pau, “Yes or no?” at sey ni Janine, “Yeah.”

Turned out na “lie” na naman ang resulta. Natatawang sabi ni Paulo, “I’m tired of all these lies!” at kunwa’y magwo-walk-out.

Tinanong ni Janine si Paulo ng “Are you happy?” at sagot ni Paulo ay “Yes.” Again, hindi nakuryente ang aktor.

Hanggang sa last question ay talagang nakuryente si Janine kaya panunumbat ni Paulo, “You never even said the truth even once.”

Sey naman ng aktres, “I’m not lying!”

Sa huli, sabi ni Paulo kay Janine, “I just want to say you’re so beautiful and you’re an excellent liar.”

Sabi naman ni Janine, “But I’m happy na we’re here together now.”

Sagot ni Pau, “Yeah, me too.”

Anyway, sa buong video ay panay ang paglalambing ni Janine kay Paulo especially sa tuwing makukuryente siya at talagang mukhang may namumuong espesyal na relasyon sa kanilang dalawa.

AUTHOR PROFILE