Janine Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez

Janine ‘naghubo’ sa kubo

February 24, 2024 People's Tonight 119 views

SA isang kubo nagpasabog ng kaseksihan ang aktres na si Janine Gutierrez.

Pinainit ng ‘Dirty Linen’ actress ang social media nang ibandera niya sa kanyang Instagram page ang kaniyang alindog.

Fierce na fierce sa isang cropped top-bikini shot si Janine.

Hindi rin nagdamot si Janine na pabakatin ang perpekto niyang kurba. Halatang sagana sa gym ang aktres.

Maging ang kanyang legs ay nakakasilaw sa kakinisan.

Pati ang ilang celebrities ay napa-comment sa kaseksihan at kariktan ng aktres: “Paawat kaaaa!!!! Patay ka na naman sa akin pagkita natin! labyu!” sey ni Darla Sauler; “Ganda mo,” wika ni Sylvia Sanchez; “Mila, yan na sinasabi ko. Daming pera niyang Aidan na yan, hindi ka mabilhan ng kahit shorts man lang. Lika na, uwi na tayo,” hirit naman ng kanyang co-star sa ‘Dirty Linen’ na si Christian Bables.

AUTHOR PROFILE