Janine Mga larawan mula sa Instagram/@janinegutierrez at @selenagomez

Janine mala ‘Selena Gomez, Ms. Universe’ ang ganda

August 19, 2023 People's Tonight 265 views

INULAN ng papuri ang award-winning actress na si Janine Gutierrez sa malapit ng matapos na serye niyang “Dirty Linen” sa husay niya sa pagganap bilang Alexa, ngunit bukod sa kaniyang pag-arte ay napansin din ng ilang netizens ang kaniyang awra sa bago niyang mga larawan.

Ilang netizens nga ang nagsabing kahawig ni Janine ang American singer-actress na si Selena Gomez. Bukod pa rito, may mga nagsabi ring ang ganda ng aktres ay maaaring isabak sa beauty pageant na Miss Universe. Narito ang ilang komentong nakalap.

“Look alike selena gomez pang ms.universe pa ang beauty,” pahayag ni user @ruby.santiago.56884761 sa comment section ng post.

“Kung pwede lang tong isabak sa Miss Universe, may 5th crown na sana tayo! Ang dyosa talaga! Huhuhu,” komento ni user @n0wee.

“Selena gomez,” komento rin ni user @kiwi0000__.

“Selena Gomez ng Philippines,” ayon kay user @_itsmeclaire_.

“Hawig nyo talaga si selena gomez,” saad ni user @roselatte27.

“Ganda mo talaga. May hawig kayo ni Selena Gomez ka alexa,” komento naman ni user @vanessamaetibayan.

“I know that you already heard this for a thousand times, but you’re literally Miss U material. So gorgeous and classy,” ayon naman kay user @itscorouney.

“grabe mala Selena Gomez ang atake,” komento pa ni user @rvnvllrntbtst_.

Sa August 25 inaasahang magtatapos ang “Dirty Linen” na may kabuuang 153 episodes. Papalitan ng “Senior High” ang time slot ng nasabing serye.

AUTHOR PROFILE