Janine class rumesbak sa basher
Puring-puri ng netizens ang class na pagsagot ni Janine Gutierrez sa kanyang basher na nag-akusang edited ang figure niya sa kanyang bagong calendar.
Matatandaang inilunsad kamakailan ang aktres bilang ambassador at Calendar Girl 2025 ng isang liquor brand.
Nang ipost ni Janine ang mga calendar photo niya ay napakaraming pumuri sa kanyang kaseksihan at exotic beauty. Halos iisa nga ang komento ng lahat na napaka-hot ng aktres.
Pero may basher na nagsabing heavily edited umano ang sexy photos dahil mataba ang aktres noong launching compared sa mga larawan.
Aniya, “Grabe pagkaka-edit ah. Napakanipis niya sa mga photo niya, pero nung launching, ang taba niya po. Grabe ang Photoshop, @asiabreweryofficial.”
Hindi ito pinalampas ni Janine at nagpaliwanag nang maayos sa basher. Aniya, October pa sila nag-photo shoot for the calendar.
“I can see how this can be confusing! We shot the calendar in October and the launch was in December. In those two months, I went to Japan for the Film Festival, attended Thanksgiving parties for our show, and really took a break from strict diet and workout. I always take it easy during the holidays and enjoy my body in its different shapes, you should too,” ang paliwanag ng aktres.
Nag-viral agad ang sagot ni Janine at komento ng netizens, napaka-class and cool sumagot ng aktres.
Ipinost din ng aktres ang BTS (behind the scenes) ng calendar shoot at makikita sa video na same ang katawan niya’t mukhang wala namang in-edit.