Janine bitbit si Echo sa Japan
Sinamahan pala ni Jericho Rosales ang girlfriend na si Janine Gutierrez nang dumalo ang aktres sa Tokyo International Film Festival for her movie “Phantosmia” last October.
Ngayon nga lang ito ni-reveal ni Janine dahil sa kanyang latest vlog sa YouTube titled “What We Ate in Japan.” Ipinasilip ng aktres ang mga ganap niya sa TIFF pati na rin ang food tripping nila ni Echo roon.
Mapapanood sa vlog ang iba’t ibang restaurants na pinuntahan nila sa Japan at puring-puri ni Echo ang GF dahil napakahusay daw nitong maghanap ng mga lugar na kakainan.
“I am here because I want to let everyone know how amazing you are at finding great restaurants. Like so fast, so quick we ate at so many restaurants. I am guesting on her channel just because… just for fun. So that’s it,” sey ni Echo.
Sinabi rin ng aktor na “best travel buddy” niya si Janine because of this.
Sa nasabing vlog ay mapapanood kung gaano sila ka-happy kapag magkasama enjoying ramen, steak, ice cream at marami pang iba. Pumunta rin sila sa popular tourist spot ng Japan na Mt. Fuji.
Maririnig din sa vlog na ang tawagan nila ay “baba” kaya kilig na kilig ang EchoNine fans.
Matatandaan na noong nakaraang Agosto ay inamin ni Echo na nasa dating stage sila ng leading lady niya sa “Lavender Fields.”