Janella

Janella, nagpasaring sa Star Magic

July 9, 2023 Vinia Vivar 298 views

Isang maikling cryptic post ang pinakawalan ni Janella Salvador noong July 8 pero sapat na ito para mag-trending ang aktres sa Twitter.

Ang simpleng tweet ni Janella ay “Ah k. Noted” na may kasamang “star” at “magic wand” emojis.

Dahil nga sa mga emoji na ginamit ni Janella, marami ang naghinala na may kinalaman ito sa kanyang talent agency na Star Magic.

Sunud-sunod ang naging reaction ng netizens lalo na nga ang kanyang fans, dahilan para mag-trending ang topic na “Janella Deserves Better” sa Twitter.

Komento ng isang netizen, “if it’s about that catalogue, you really deserve to be on that front page.”

Last July 6 ay inilunsad ng Star Magic ang kanilang 30th year catalogue na naglalaman ng kanilang mga talent.

Kinukuwestiyon ng fans niya kung bakit hindi isinama ng Star Magic ang aktres sa front page ng catalogue, kung saan makikita sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Gerald Anderson, Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Shaina Magdayao, John Arcilla at Jane de Leon.

Sabi naman ng isa pang netizen, ni wala ring poster at sariling page si Janella sa catalogue.

“She didn’t get a poster at the recent SM event nor front page or even a good page,” sey ng netizen.

May mga nagsabi namang hindi kasi A-lister si Janella pero kinontra ito ng kanyang fans dahil nagbibida raw ito sa mga teleserye, the latest of which ay ang “Darna.”

Naglabas din ng sama ng loob sa Star Magic ang ilang supporters ni Janella sa ginawa sa aktres at feeling nila ay may favoritism ang nasabing talent agency.

“Definitely (Janella is) one of the most loyal SM artists that we have, yet they still can’t give her what she deserves the most. (She) stayed for a decade just to be disrespected like this. What’s wrong with you, Star Magic?” komento ng isang tagahanga ng aktres.

Ang sentimyento pa ng ibang fans, sana raw ay inilagay si Janella sa collage ng mga New Gem Artists kasama nina Andrea Brillantes, Belle Mariano, Francine Diaz, Zaijian Jaranilla, Donny Pangilinan, Darren Espanto, KD Estrada, Alexa Ilacad, Seth Fedelin, Anji Salvacion, AC Bonifacio at Kyle Echarri.

Ang iba nama’y nagbigay ng encouragement sa aktres at pinayuhang huwag maapektuhan ng nangyari at hindi mahalaga kung nasa cover man siya o wala.

“You are in the catalogue right @superjanella? So you are special,its either in the cover or inside,it doesnt matter,most important is you are there so you are appreciated,especially they give you always the best and extraordinary roles in movies or series that show your talent,” payo ng isa niyang supporter.

AUTHOR PROFILE