Janella Mga larawan mula sa Instagram/@superjanella

Janella may mensahe sa anak na si Jude: ‘Don’t worry my love’

August 29, 2023 People's Tonight 246 views

SUMULAT ng isang makabagbag-damdaming mensahe sa kanyang Instagram stories ang singer-actress na si Janella Salvador para sa kanyang anak na lalaki na si Jude.

Ibinahagi nitong Lunes, Agosto 28 ng celebrity mom ang ilang larawan ng kanyang anak sa pagtulog.

Kuwento ni Janella, madaldal ang kanyang anak, lalo na’t marami itong gustong sabihin at ikuwento bago matulog.

“My talkative boy. He sure has a lot to say before going to bed. He has a looot of thoughts. Nobody warns you about toddler energy levels at bedtime.” saad ng aktres.

Pero ang mensahe niya kay Jude ay hindi mapapagod ang aktres sa pakikinig sa lahat ng sasabihin ng kanyang anak.

“But don’t worry my love. Mama will never get tired of listening to your random thoughts, your new discoveries, new favorite words… and songs,” mensahe ni Janella.

Binanggit pa nga ng aktres na maraming beses man niyang kantahin ang pambatang kantang “Mary Had a Little Lamb” ay ayos lang dahil sulit ito kung kapalit naman ang tuwa at tawa ni Jude.

“Even after making me sing ‘Mary Had a Little Lamb’ probably about 15 times in a row, those glimmery expectant eyes and little giggles make it all worth it,” ani Janella.

“And now you’re off to dreamland. I hope you always have happy thoughts. I love you,” dagdag pa ng celebrity mom.

AUTHOR PROFILE