Janella

Janella, indirectly inamin na hiwalay na kay Markus

August 11, 2022 Vinia Vivar 196 views

Sa interview ni Janella Salvador sa Magandang Buhay, ay parang indirectly inamin na rin niya na hiwalay na nga sila ni Markus Paterson.

Natanong kasi siya ng mga host kung kanino niya iniiwan ang baby nila ni Markus na si Jude kapag nasa lock-in taping siya ng Mars Ravelo’s Darna.

“Meron siyang mga nag-aalaga sa kanya. ‘Yung mga angel namin sa bahay. Pero also, naiiwan din siya sa tatay niya minsan kapag nasa lock-in ako. Binabantayan din siya, bini-visit siya,” sagot ni Janella.

Sa sagot niya na binibisita na lang ni Marcus ang kanilang baby, ibig sabihin nga nito ay talagang hiwalay na sila.

Tinanong ni Regine Velasquez kung sila pa ba ni Markus, hindi niya ito direktang sinagot pero may pa-hint ang aktres.

“Basta Ate Redj, masaya kami individually. Du’n na lang natin tingnan. Our focus is Jude. He is the priority,” sabi ni Janella.

Ang aktres ang gumaganap na Valentina sa Mar’s Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon at magsisimula na sa Lunes, Aug. 15.

Ayon kay Janella, hirap na hirap siya sa tuwing magla-lock-in sila dahil nga matagal niyang hindi nakikita ang anak.

“It was actually really a big sacrifice for me. Until now, kasi hindi pa rin kami tapos mag-lock-in. So, tuwing magla-lock-in kami, minsan, umaabot ng more than one month, tapos siyempre, nami-miss ko si Jude.

“Actually, minsan, umiiyak lang talaga ako sa kuwarto kasi nami-miss ko siya. Tapos, tatawagan ko siya, ibi-video call ko siya. Pero buti na lang, ’pag rest day, pumapayag naman silang mag-visit si Jude lang,” kwento ni Janella.

RADIO STATION, NAGBABALIK

Bilang hudyat ng pagsisimula sa entertainment business ng Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBS), ang kanilang flagship radio station na K-lite 103.5 FM ay live nang napapakinggan sa bagong home studio located at Level 2 of Starmall Shaw Boulevard in Mandaluyong.

“This marks the beginning of our venture into the entertainment business. We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to be able to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time,” pahayag ni Manny Villar, chairman ng Villar Group.

Sa pagbabalik sa ere ng K-Lite na matatandaang isang sikat na FM radio station since 1995, maraming mga bagong programa ang kanilang inihanda para sa listeners kasama ang mga in-house disc jocks na sina DJ Jaybee Jariol na isa sa original DJs ng istasyon at ang newbie talent na si DJ Aly Esplana.

Bukod sa line-up of new programs ay may exciting promos din ang ang bagong K-Lite kabilang na ang search for the next “K-lite Kampus Krew” na open for all qualified students looking for an internship program at ang “DJ Kampus Hunt” na bukas naman para sa lahat ng aspiring voice talents aged 18-25 years old.

Mechanics for the said promotions are found on K-lite socials on Facebook, Youtube and Twitch.

At ang isa pang good news, pwede nang mapanood ang live streams ng mga programa on channel 3 of Planet Cable TV in parts of Mega Manila and Region 4 Calabarzon subscribers.

Followers from anywhere around the world can also tune in and stream live online through its website klite1035.com.ph or by downloading the Twitch app.

Its regular programming is heard from 6 a.m. to 12 midnight Mondays to Sundays.

AUTHOR PROFILE