Janella

Janella at Markus, ‘di pinag-aawayan ang sustento

August 5, 2023 Vinia Vivar 312 views

Kahit matagal nang hiwalay sina Janella Salvador at Markus Paterson, ayon sa aktor ay napakaganda ng kanilang co-parenting arrangement sa anak na si Jude.

Sa panayam kay Markus sa vlog ni Ogie Diaz, aniya ay pwede niyang mahiram ang bata anytime at puring-puri niya ang nanay ng anak.

“Sobrang blessed ako sa kanya as in I couldn’t ask for a better mother for my child. Sobrang galing niya,” sey ni Markus.

At lalong hindi sila nagkaroon ng problema sa sustento. Ang tanging nagiging problema nga raw ay ‘yung time dahil sa working schedule nila.

“’Yan ‘yung madali (sustento). ‘Yung mahirap, ‘yung talagang time minsan especially kapag bising-busy sa taping at malayo ang location, mahirap ‘yun,” aniya.

Pero ang maganda raw ay napag-uusapan nila nang maayos kung paano ang time sa bata kapag may mga trabaho sila.

“Nung nag-shooting ako ng show sa Subic, nasa ‘kin naman si Jude nu’ng time na ‘yun kasi ‘di ba, nagda-Darna si Jea (Janella)? So, dinadala ko sa set. Ang saya.

“Tapos nag-Hong Kong siya, dinala niya si Jude do’n. So, talagang salitan depende sa schedule,” saad ni Markus.

Dahil dito ay natanong ang aktor what went wrong since kaya naman pala nila na maging maayos at smooth ang relasyon, bakit hindi pa noon?

“To put it simply, it wasn’t perfect. Actually, perfect noong nasa UK pa kami. Pero nu’ng bumalik na kami sa Pilipinas, parang. . . kasi COVID nu’ng time na ‘yun, ‘di ba? Sobrang delikado, eh, kailangan na naming mag-work, ‘di ba?

“A lot of realities set in, na responsibilities na kailangan palang ganito, ang hirap. Magsu-shoot, kailangan pala natin ng yaya, ‘di pa tayo nakahanap ng yaya. Ang daming naging problem na it got to the point na we weren’t talking anymore.

“The fights became more frequent until, yeah, until we decided not to pursue this anymore kasi this wasn’t helping. I mean, we didn’t wanna raise Jude in a household na palaging nag-aaway.

“So, we decided to take a break and see how we feel and mula no’n, naging perfect ‘yung set-up. We started off as really good friends and that’s where we are at again now,” lahad ni Marcus.

Naalala pa nga ng aktor na nagkaroon pa ng isyung sinasaktan niya si Janella kaya sila naghiwalay at napakarami raw masasakit na sinabi sa kanya ang mga netizen.

Nilinaw rin niya before na he never laid hands on Janella at hindi niya kayang saktan ito.

Anyway, sa ngayon ay single raw siya at wala pang nakikitang bagong pag-ibig. Ang tanging focus niya ay trabaho at ang anak nila.

“Si Jude lang talaga ‘yung kasiyahan ko ngayon. Kung nasa taping ako, parang nawawalan ako ng motivation unless nandu’n siya or naka-video call siya,” aniya.

Matatandaang inamin ng aktor na hiwalay na sila ni Janella in September, 2022 saying na almost one year na silang hiwalay that time.

AUTHOR PROFILE