Jane

Jane at RK, priority ang career kesa kasal

July 13, 2023 Vinia Vivar 343 views

So much in-love sa isa’t isa ngayon sina Jane Oineza at RK Bagatsing kaya naman hindi maiwasang itanong kung may balak na ba silang pakasal.

Nakausap namin si Jane sa mediacon kahapon ng “Nag-aapoy na Damdamin” ng ABS-CBN at isa nga ito sa mga naitanong sa kanya ng entertainment press.

Ayon kay Jane ay career muna talaga ang priority nila.

“Sa ngayon, mina-maximize namin ‘yung career ng isa’t isa dahil galing din sa pandemic na ang dami nating uncertainties, ‘di natin alam kung kailan ang next project, next na mga ganap or whatever, so ngayon na ‘andito siya ngayon, focus muna kami at support namin ang isa’t isa,” sey ni Jane.

Pero aminado siya na nakikita na niya ang sarili na sila ang magkakatuluyan.

“Oo naman, we’ll get there, no pressure, kasi alam naman namin na papunta tayo do’n,” sey ni Jane.

Sa ngayon ay pareho nga raw silang busy ni RK pero ang maganda sa relasyon nila ay hindi sila nawawalan ng oras para sa isa’t isa.

Samantala, masayang-masaya si Jane na finally ay nabigyan na rin siya ng sariling lead teleserye sa ABS-CBN.

“Sobrang saya, sobrang kilig, sobrang nakakatuwa dahil alam kong pinaghirapan ko ‘to, alam ko na inantay ko rin naman ‘to. So, grabe lang ‘yung pasasalamat ko sa buong produksyon na binigyan ako ng chance na ipakita ‘yung motivation ko all these years,” sey ni Jane.

Mapapanood na ang “Nag-aapoy na Damdamin” simula sa July 25, 3 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2z at TV5.

Kasama rin sa serye sina JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca.

AUTHOR PROFILE