Jessa

Jamilla nasa healing period pa

July 22, 2022 Aster Amoyo 463 views

Jessa1

PAGKATAPOS ng face-to-face presscon ng Vivamax’ upcoming release ng pelikulang “Wag Agawin ang Akin” na pinamahalaan ni Mac Alejandre ay sandali naming nakausap ang ex-PBB teen housemate-turned actress na si Jamilla Obispo na Isa sa mga pangunahing bituin k asama sina Angeli Khang, Felix Roco at Aaron Villaflor.

Inamin nito sa amin na siya’y naging ina sa kanyang teen-age son at age 17. Hindi man daw sila nagkatuluyan ng biological father ng anak ay nananatili silang magkaibigan kahit meron na itong sariling pamilya ngayon.

She admitted to us that she and her boyfriend (of four years) broke off recently kaya nasa healing period pa umano siya.

Kahit nagpapaseksi siya, tanggap umano ito ng kanyang anak dahil alam daw nito na bahagi ito ng kanyang trabaho bilang aktres.

“Actually, wala siyang pakialam,” natatawang pahayag ni Jamilla.

Bukod sa pelikulang “Wag Agawin ang Akin,” siya’y napanood din sa ibang Vivamax originals tulad ng “Iskandalo,” “Mahjong Nights,” “Kinsenas, Katapusan” at ang original Vivamax series na “L” and her debut sexy movie na “X-Deal” na dinirek ni Lawrence Fajardo at kung saan niya nakabituin sina John Hall at Paloma.

Bago siya nagpa-seksi sa mga pelikulang palabas sa Vivamax app, si Jamilla ay nakagawa rin ng ilang TV guestings sa bakuran ng ABS-CBN tulad ng “Mara Clara,” “Nasaan Ka, Eliza?” “Let’s Go” at nakapag-guest din siya sa “MMK”.

Ang “Wag Agawin ang Akin” ay mapapanood na on Vivamax streaming app simula ngayong July 31. Ang nasabing pelikula ay magsisilbi ring advance birthday gift sa sexy star who is turning 36 sa darating na linggo, July 24.

Bagong streaming app inilunsad

ISA na namang Filipino entertainment and emergency streaming app ang pormal na nilunsad sa Club Filipino in Greenhills, San Juan City nung nakaraang Huwebes, July 21, ang Juanetworx pinamumunuan ng businesswoman na si Edith Fider.

Mapapanood sa Juanetworx ang iba’t ibang pelikula at mga programa (including international materials) na maiibigan ng viewers.

Bukod sa entertainment, magiging gabay din ang Juanetworx sa mga emergency cases tulad ng fire, flood, earthquake, typhons at iba pang mga kalamidad.

Bukod sa iba’t ibang mga kilalang personalidad na bahagi ng Juanetworx, dumalo sa nasabing launch ang ilang showbiz personalities tulad ng Vice-Mayor ng Maynila, ang actor-politician na si Yul Servo, ang actor-comedian at director na si Al Tantay, ang actress-entrepreneur na si Liz Alindogan, ang singer, actor-comedian, host at OWWA Undersecretary na si Arnell Ignacio, ang dating beauty queen, singer at actress na si Ali Forbes, ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso, ang talent manager na si Daddy Wowie Roxas at ibang mga alaga nito, ang writer-director na si Joven Tan, ang businessmen couple na sina Louie at Nathz Gamboa ng Erase Beauty Care at maraming iba pa.

For inquiries kung paano mag-subscribe sa Juanetworx, mangyari lamang i-check sa kanilang website na www.juanetworx.com.

Wedding

Kasal ni Hidilyn star-studded

INAASAHANG magiging star-studded ang wedding ng kauna-unahang Filipino athlete ng nakapag-uwi ng Olympics gold medal sa Pilipinas, ang weightlifter champ (Women’s Division) na si Hidilyn Diaz at ang kanyang fiancé, ang professional weightlifting coach na si Julius Naranjo na gaganapin sa chapel sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) in Baguio City sa darating na Martes, July 26. Ang nasabing petsa ay unang anibersaryo ng pagkakapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Summer Olympics nung July 26, 2021. Dahil dito, dinagsa ang Filipina athlete ng milyun-milyong cash rewards and incentives, house & lots, sasakyan at iba pa.

Ilan sa mga kilalang celebrities na makakasama sa wedding entourage nina Hidilyn at Julius ay sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin-Arce at Iza Calzado-Wintle at iba pa.

Girl

Maja masaya sa ‘Eat Bulaga’

AFTER being with the the Kapamilya Network for 18 years, actress, singer, dancer, host and talent manager Maja Salvador could not contain her emotions na isa na siyang bahagi ng Dabarkads at hindi na lamang segment host ng (dati) niyang segment, ang `Dancing Kween’ na nag-end nung nakaraang Sabado, July 16. She joined “Eat Bulaga” in October 2021.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang fiancée ni Rambo Nunez na bahagi na rin siya sa longest-running and top-rating noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Ibinahagi ni Maja ang kanyang pagiging fanatic sa programang “Eat Bulaga” when she was still a kid laluna sa segment ng show na “Little Miss Philippines” na pinagmulan ng maraming kilalang celebrities ngayon tulad nina Aiza Seguerra (Ice Seguerra), Jessa Zaragoza, Francine Prieto, Gladys Reyes, Camille Prats, Julie Ann San Jose, Kim Domingo, Ella Cruz, Ryzza Mae Dizon at iba pa.

Samantala, it was last April 17 nang ibahagi ni Maja sa kanyang Instagram account ang engagement nila ng kanyang fiancé na si Rambo Nunez pero wala pang announcement sa petsa ng kanilang kasal.

Bago ang kanyang relasyon kay Rambo, Maja was in a previous relationships with actors Carlo Aquino, Matteo Guidicelli and Gerald Anderson.

Ang singer, actress, host, dancer at entrepreneur ay anak ng yumaong actor (from the Salvador clan in showbiz) na si Ross Rival kay Thelma Andres.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on my Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE