JAMES PAPASOK SA ‘BATANG QUIAPO’?
Sa pagbabalik sa pag-arte ni James Reid ay excited na sinabi ng aktor na posibleng magkasama silang muli ni Coco Martin.
Unang nagkatrabaho sina Coco and James sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na “Beauty and the Bestie” na pinagbidahan ni Vice Ganda. Kasama rin dito si Nadine Lustre and that time ay buhay pa ang JaDine loveteam.
Sa recent interview ni James, natanong siya kung posible bang magkasama ulit sila ni Coco.
Maikling sagot ng aktor, “One thing that I can share so far is that I think, it’s being considered.”
Aminado rin si James na nami-miss na niya ang pag-arte dahil ang huli nga niyang acting project ay ang pelikulang “Miss Granny” noong 2018 pa.
“There’s, like, a high you get from acting, especially in the long form series. I think, you know, in those long form series, you really get to dive into the character,” sey ni James.
Excited na rin ang fans ng aktor at may hinala silang baka pumasok sa “FPJ’s Batang Quiapo” si James.