James

James maraming sinayang na taon

November 27, 2024 Aster Amoyo 116 views

James1MATAGAL ding tumigil sa pag-arte ang 31-year-old singer, actor, record producer and talent manager, ang Fil-Australian na si James Reid matapos itong mag-focus sa kanyang singing career, pagiging record producer and talent manager.

Pitong taon na rin ang nakalipas matapos ang kanyang una’t huling TV series with his ex-girlfriend na si Nadine Lustre, ang “Till I Met You” which was aired in 2016 hanggang 2017. Taong 2018 naman nang gawin niya ang kanyang huling pelikula, ang hit movie na “Never Not Love You”. On the same year ay ginawa rin niya ang “Miss Granny” na pinagbidahan ng pop superstar na si Sarah Geronimo.

Habang nagpo-focus si James sa kanyang music label, ang Careless Music at pagma-manage ng talents which include singer-actress Liza Soberano na sa kalaunan ay umalis din sa kanya, tuluy-tuloy naman ang acting career ng kanyang dating kasintahang si Nadine na lalong humusay bilang actress at patunay dito ang kanyang sunud-sunod na parangal na natatanggap.

Kumalas din noon si James sa pangangalaga ng Viva na siyang nag-build-up sa kanya at sa tambalan nila ni Nadine.

A good six to seven years ang sinayang ni James pagdating sa kanyang acting career. Pero ang magandang balita ay babalikan na niya ito. It was announced that he’s doing a new TV series under ABS-CBN sa pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment which will be aired in 2025. As to the title at makakasama sa serye ay hindi pa ito inihahayag ng Dreamscapre Entertainment.

Nakakapanghinayang lang na maraming taon ang kanyang sinayang dahil masyado siyang nag-concentrate sa kanyang music label at pagma-manage kay Liza Soberano na lalayasan din pala siya despite all his efforts.

Samantala, pumayag kaya si Nadine for a possible reunion project with her ex-boyfriend?

Mara ikinasal na

MaraMara1Mara2IKINASAL na kamakailan ang Filipino-Japanese award-winning actress na si Mara Lopez (Yokohama) sa kanyang American fiancée na si Chandler Booth sa isang beach wedding na ginanap sa Pangulasian Island Resort ng El Nido, Palawan na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends. The couple got engaged on July 28, 2024 in Austin, Texas but they’re based in New York City.

Si Mara ay panganay sa dalawang anak ng 1982 Bb. Pilipinas-Universe na si Maria Isabel Lopez with Ken Yokohama as her younger brother. Ang dalawa ay mga anak ni Maria Isabel sa kanyang ex-husband na dating executive ng DHL in Tokyo, Japan na si Hiroshi Yokohama. The former couple married in Edogawa, Tokyo, Japan in 1990 and got separated nung 2006 and was annulled in 2010. On June 9, 2019, si Maria Isabel ay muling nag-asawa sa isang Jewish-American lawyer na si Jonathan Melrod. Ang mag-asawa ay naka-base ngayon in Sebastopol, California, USA.

Ang nakababatang kapatid ni Mara na si Ken ay nagtapos ng civil engineering sa De la Salle University.

Kahit sa New York, USA na naka-base si Mara ay bukas pa rin umano siya na tumanggap ng TV and movie offers.

Ang husband ni Mara na si Chandler ay isang Junior Marketing Manager ng Better Noise Music based in New York with branches in Los Angeles, California; Nashville, Tennessee; Miami, Florida; Toronto, Canada; London, England; Berlin, Germany and Sydney, Australia. Siya’y nagtapos ng Bachelor of Music – Popular Performance with Music Management at the University of West London.

Julia at Carlo sanay nang magkasama

CarloKABISADO na namin ang isa’t isa,” ito ang pahayag ng Viva star na si Julia Barretto sa presscon ng “Hold Me Close” na pinagtatambalan nila for the second time ni Carlo Aquino. Ang Nasabing pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Lacsamana at isa sa sampung official entries ng darating na 50th Metro Manila Film Festival.

Sina Julia at Carlo ay unang nagtambal sa pelikulang “Expensive Candy” nung 2022 na sinulat at pinamahalaan din ni Direk Jason.

“Kumportable na kaming magkatrabaho ni Juju (tawag niya kay Julia),” sambit naman ni Carlo na masaya dahil sa Japan kinunan ang pelikula, isa sa kanyang mga paboritong lugar.

A few months back ay ipinalabas ang kanyang kauna-unahang action-drama movie na “Crosspoint” na kinunan din sa Japan.

Parehong excited sina Carlo at Julia sa darating na Metro Manila Film Festival laluna sa Parada ng mga Artista kung saan muli silang sasakay sa karosa.

“It’s always fun kapag sumasakay ka sa float kasama ang ibang karosa ng ibang entries,” ani Julia na kagagaling lamang sa isang hit movie, ang kanyang reunion film with her ex-boyfriend na si Joshua Garcia, ang “Un/Happy for You” na pinamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema and Viva Films.

Kapalaran ng ‘It’s Showtime’ nakabitin pa rin

ShowtimeShowtime1NASA negotiation panel pa rin ang ABS-CBN management with GMA management as to the renewal ng long-running and top-rating noontime show na “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sa pagkakaalam na marami ay hanggang December na lamang umano ang programa “It’s Showtime” GMA kapag hindi nagkasundo ang magkabilang panig.

Since mapanood ang noontime program nina Vice Ganda, Anne Curtis, et al sa GMA ay naging visible na rin ang appearance ng mga Kapuso talents na wala namang problema. Ang problema ay hindi man lamang makapag-promote ang mga Kapamilya talents ng kanilang programa o pelikua sa sarili nilang noontime program dahil bawal umano ito. Ultimo si Kim Chiu na isa sa mga hosts ng programa ay hindi rin mai-promote ang kanyang teleserye sa sarili nilang show.

Kung magpapatuloy umano ito sa ganitong kalakaran ay baka umalis na lamang ang “It’s Showtime” sa GMA at maghanap silang muli ng bagong `masisilungan’ nang walang restrictions sa mga talents ng ABS-CBN na magpu-promote ng kanilang mga bagong serye at isa sa mga options ay ang ALLTV kung saan na ngayon napapanood ang flagship news program, ang “TV Patrol”.

Magiging malaking kawalan naman sa GMA kung mawawala sa kanila ang “It’s Showtime” although they can always produce their own na isang malaking risk. Puwede rin itong kuning magandang opportunity ng TAPE, Inc., dating producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na okupahan ang slot for a new noontime program ngayong bumalik na sa TAPE ang dati nilang executive na si Malou Choa-Fagar.

Maging ang mga hosts ng “It’s Showtime” ay pumapalag umano na hindi makapag-promote sa kanilang programa ang mga Kapamilya stars and talents dahil bawal umano ito.

Nananatili namang nakamasid lamang ang mga manonood sa mapapagkasunduan ng pamunuan ng ABS-CBN at GMA kung patuloy pa ring mapapanood ang programa sa bakuran ng Kapuso Network o tuluyan na rin silang mamamaalam para lumipat sa ibang TV network.

Subok na ng marami na kahit saan mapunta ang “It’s Showtime” ay sinusundan ito ng mga manonood tulad ng TV5, GTV at GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE