James magkakaroon ng concert tour sa Amerika

December 15, 2022 Aster Amoyo 155 views

James1

WHILE his ex-girlfriend Nadine Lustre is now in a relationship with Filipino- French businessman na si Christopher Bariou, singer, songwriter, record producer, talent manager and entrepreneur James Reid is in no rush to find a new love as he is more focused now sa sarili niyang career, his record production – Careless Music, managing his own talents (including Liza Soberano) and his being a young businessman.

Just recently, the former Pinoy Big Brother Big Winner and former Viva talent came up with his latest album entitled “Lovescene” and is set to hold his first solo concert tour in U.S. and North America which will kick-off in Houston, Texas on January 29, 2023. Ito’y susundan ng Richmond, Virginia on Febuary 1, Asbuhry Park, New Jersey on February 4, New York City on February 5, Toronto on February 7, Chicago, Illinois on February 9, Winnipeg, Canada on February 11, Calgary on February 14, Vancouver on February 16, Seattle, Washington on February 19, San Francisco, California on February 21, San Diego, California on February 24 and West Hollywood on February 26.

Hindi pa ibinabahagi ni James kung makakasama niya sa kanyang 12-city tour in the US and North America ang mga talent ng Careless Music including Liza Soberano who is trying to penetrate the international entertainment scene.

It was in November 2019 nang magkahiwalay sina James at Nadine, a few months after he bolted out from the management of Viva which built him up along with Nadine bilang loveteam and music collaborators.

Enrique nag-suffer ang career

SAMANTALA, magmula nang kumalas si Liza Soberano sa tambalan nila ng kanyang boyfriend (of several years) na si Enrique Gil at sa management ng Star Magic at ni Ogie Diaz para mag-concentrate sa kanyang international career, marami ang nakapuna na nag-suffer hindi lamang ang kanilang loveteam ni Enrique kundi laluna na ang solo career ng actor-dancer. Enrique should re-invent himself bilang actor at lumayo na sa imahe ng isang loveteam.

Direk Joel nakalabas na ng ospital

NAKAUWI na ng bahay at kasalukuyang nagpapalakas ang veteran award- winning director na si Direk Joel Lamangan matapos itong sumailalim ng triple bypass operation and was advised by his doctors na magpahinga at magpalakas muna bago ito sumabak muli sa trabaho.

Kilala si Direk Joel sa pagiging workaholic.

Sa darating na December 25, 2022 ay isa ang directed movie ni Direk Joel na “My Father, Myself” na matutunghayan sa taunang Metro Manila Film Festival na inaasahang papalo sa kauna-unahang physical event after the pandemic struck the world.

Although masaya si Direk Joey na nakapasok sa top 8 ang pelikulang “My Father, Myself” na tinatampukan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana, malungkot ang kanyang pakiramdam dahil nabigyan ng R-18 ang naturang pelikula ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na nangangahulugang hindi ito mapapanood ng mga manonood sa lahat ng sinehan ng SM (na siyang pinakamarami sa buong bansa).

Direk Joel fought na ito’y mabigyan man lamang ng R-16 rating ng MTRCB pero hindi siya nagtagumpay.

Napakalaking kawalan sa kanyang pelikula ang mga sinehan at audience share ng SM Cinemas, gayupaman umaasa ang premyadong director na ito’y tatangkilikin pa rin ng mga manoood sa mga sinehan na pagpapalabasan ng pelikula despite its limited cinemas share.

Joey

Joey inamin ang tampo kay Toni

INAMIN ng veteran singer, songwriter, actor-comedian, TV host, painter at writer na si Joey de Leon na semi-retired na umano siya sa kanyang career at `work from home’ na lamang umano sila ni Vic Sotto magmula nang magsimula ang pandemya.

Gayunpaman, hindi umano niya mapahindian ang mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga na mapasama sa Metro Manila Film Festival movie na “My Teacher” na nagmula sa konsepto at panulat ni Toni at pinamahalaan ni Direk Paul under their joint productions, ang Ten17P at TinCan Productions.

Sa grand presscon ng pelikula, inamin ni Joey na kung nagkataong may kalahok ding movie ang kanyang Kumpareng Vic (Sotto) ay aatras umano siya dahil hindi niya kayang tapatan ang pelikula nito o kay dating Senate President Tito Sotto. Ganun umano ang kanilang suportahan at respeto sa isa’t isa bilang magkakaibigan which dates back in the late `60s.

Toni looks up at her Tito Joey whom she considers as one of her mentors nang siya’y magsimula sa showbiz, particularly sa “Eat Bulaga” bilang isa sa mga co-host.

Hindi ikinaila ni Joey during the grand presscon na nagtampo umano siya kay Toni nang ito’y magpaalam sa “Eat Bulaga” para lumipat ng ABS-CBN pero `yon ay panandalian lamang dahil sa isa niyang birthday celebration ay tinawagan umano niya ang misis ni Direk Paul na pumunta at hindi naman nag- atubili si Toni.

“Hindi naman nawawala sa magkakaibigan, even sa mag-asawa, mag-ama o sa magkakapatid ang tampukan,” paliwanag ni Joey.

“Sa akin kasi, napamahal na sa amin si Toni at siya ang bagong baby ng “Eat Bulaga” kaya hindi ko maiwasan ang magtampo,” pag-amin pa ng tinaguriang `henyo’ na si Joey. “Pero sandali lang `yon,” aniya.

Samantala, hindi naman ikinakaila ng mag-asawang Direk Paul at Joey na marami umano silang natutunan kay Joey while filming “My Teacher”. Hindi umano ito selfish magbahagi ng kanyang mga kaalaman at sobra umano itong professional sa kanyang trabaho. Dumarating umano ito nang maaga sa set na kabisado ang kanyang lines.

Malaking karangalan naman sa mga batang actors na sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Pauline Mendoza, Kych Minemoto at Isaiah de la Cruz na makatrabho ang mag-asawang Direk Paul at Toni maging ang TV and movie icon na si Joey. Kasama pelikula si Carmi Martin na makailang beses na ring nakatrabaho sina Toni at Joey.

MarcelitoMarcelito1Jovit

Marcelito hindi makapaniwala sa nangyari kay Jovit

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang singer-performer at 2 nd winner sa ikalawang season ng “Pilipinas Got Talent” na si Marcelito Pomoy na wala na ang kanyang kaibigang si Jovit Baldivino na sumakabilang-buhay nung umaga ng December 9, 2022.

Si Jovit ay pumanaw nung December 9 ng 4 a.m. dahil sa aneurysm sa edad na 29.

Ayon kay Marcelito, nakuha pa umano niyang mapuntahan ang kaibigan sa ICU kung saan ito isinugod nung gabi ng December 3. Nakadalaw rin siya sa burol at sa paghatid sa huling hantungan ng kapwa niya singer-performer.

Tiyak umanong mami-miss niya nang husto ang kanyang namayapang kaibigan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE