James

James, dumalo sa pa-event ni Elton John

March 30, 2022 Jun Nardo 127 views

RUBBING elbows ang aktor na si James Reid sa mga foreign celebrity na dumalo sa 30th Annual Elton John AIDS Foundation (EJAF) Academy Awards Viewing Party sa Los Angeles, California.

Spotted si James sa red carpet kasama ang musicians na sina Olly Sho at Kevin Woo na lumabas sa Instagram ni Sho.

Lutang na lutang ang kaguwapuhan ni James sa solo picture naman niyang naka-post sa IG ng isang Jay Hines.

Ayon sa reports, nagsilbing hosts sa event sina Lady Gaga, Billy Porter, Eric McCormack at ang chairman ng EJAF na si David Furnish.

At least, may ginagawa naman pala si James sa Amerika matapos manatili roon at subukang magkaroon ng career, huh!

MAJA AT MILES, PACKAGE DEAL?

DALAWA na ang shows ni Miles Ocampo sa Kapuso Network. Bukod sa weekly sitcom na Happy To Get Her, bahagi na rin si Miles ng noontime show na Eat Bulaga.

Unang appearance ni Miles sa live edition ng Bulaga kahapon.

Isa siya sa artistang letter “M” ang simula ng pangalan sa programa na nadagdag kina Maja Salvador, MJ Lastimosa at Maine Mendoza.

Ang intriga sa pagpasok ni Miles sa Bulaga — package deal kaya sila ng manager niyang si Maja?

AUTHOR PROFILE