James atat maging ‘girl dad’
MAGIGING super busy ang 2025 para sa singer-actor na si James Reid. Bukod sa pagre-release ng bagong album kasunod ng kalalabas na six-track EP niyang “jgh (just got home),” magkakaroon din siya ng tour dito at sa US at may sisimulan na bagong drama series sa ABS-CBN sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.
Excited na nga ang singer-actor sa muling pagsabak sa telebisyon na iniwan niya ng ilang taon nang magtungo sa Amerika para mag-focus sa music.
Kwento ni James sa isang intimate chikahan kasama ang ilang entertainment editors, “I had a brainstorm/creative session with Dreamscape working out characters, building up story, picking already the cast of the series which I’m also involved in but, yeah, I’m happy that Dreamscape has been very collaborative.”
Alam na niya kung ano ang papel na gagampanan niya sa serye at kung sino-sino ang kanyang makakasama pero bawal pa umanong i-reveal ang mga detalyeng ito.
Nang tanungin kung willing ba siyang makatrabaho muli sa isang proyekto ang dating ka-loveteam at ex-GF na si Nadine Lustre, ang sagot ni James, “I think anything is possible, but it’s really, you know, I’m trying to build my career out in acting and I really wanna try different roles, different things. But we’ll see how it goes. When I left acting I had only mostly done loveteam projects. So for this time, I really wanna try something new. Not on my own, but with other actors, of course. Not as part of a loveteam, you know. I don’t think I can do another loveteam but definitely working with people.”
Nilinaw din niya na in good terms naman sila ni Nadine, hindi nga lang sila nakakapag-usap sa ngayon.
Pagdating naman sa GF niyang si Issa Pressman, inamin ni James ang live-in set-up nila sa isang condo sa Makati.
Ayon sa kanya, hindi lang GF ang papel ni Issa sa buhay niya kundi best friend pa niya. Araw-araw umano silang magkasama at ito ang tumatayong creative director ng lahat ng projects niya pagdating sa musika — music videos, photo shoots, etc.
Para kay James, ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na nga ang “The One.”
Ni hindi nga raw siya nauumay kay Issa at ngayon pa lang ay napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagbuo ng isang pamilya.
Kung siya ang tatanungin, sa edad na 31 ay handa na siyang magpakasal anytime.
Bet ni James na magkaroon ng dalawang anak na parehong babae.
“I want two. I would also be okay if it was two girsl, not two boys. I don’t, I don’t know why. I always saw myself having, like, two girls or maybe a girl and a boy,” sey niya na tila excited maging ‘girl dad.’
Patuloy niya, “Yeah, I’m looking forward to having kids. It’s my dream to have kids. I think my main goal is to, like, in life in general, my main goal is really just to start a family. I think that’s my drive for everything that I’m doing. When it comes to my music, when it comes to my career, when it comes to the acting, that’s really what’s driving me… to get there.”
Sa puntong ito, nangako si James na sakaling mag-decide sila ni Issa na magpakasal ay ise-share nila ito sa publiko.
Ang tanong na lang ay kung kailan.
“I don’t know. I don’t think it’s too far away,” makahuluga g saad ng singer-actor.