James 10 taon na ’di nakikita si Bimby: Okay lang ‘yon
Inamin ni James Yap na 10 taon na niyang hindi nakikita ang anak nila ni Kris Aquino na si Bimby.
Sinabi ito ni James nang makapanayam ng press matapos maghain ng certificate of candidacy (CoC) nitong nakaraang Martes, October 8. Kakandidato ang basketbolista na konsehal sa 1st District ng San Juan City sa 2025 elections.
Unang natanong si James kung sino ang kasama niya sa pagpa-file ng CoC at sey niya, “Actually, ako lang. ‘Yung sister ko kasi nanganak siya, eh. ‘Yung mga bata may pasok na, eh, so ako lang muna. Mga ‘Yapsters’ lang ang kasama ko so nandito sila para suportahan ako.”
Dagdag pa niya, hindi rin nakasama ang partner niyang si Michela Cazzola dahil sinundo ang mga anak nila sa school.
Kasunod nga nito ay natanong siya kung nagkita na ba sila ni Bimby.
“Wala na, 10 years, so okay lang ‘yun,” maikling sagot ni James.
Ibig sabihin nito ay bata pa si Bimby nang huli silang nagkita. But for sure ay nakikita naman niya ang mga larawan ng anak ngayon na binatang-binata na.
DREAM COME TRUE
Masayang-masaya ang Star Music new artist na si Geraldine Jennings dahil finally ay released na ang kanyang debut single na “If Ever I Will Love Again” composed by Ogie Alcasid.
Ang nasabing awitin ay tungkol sa sakit na dulot ng paghihiwalay at kung makakaya pa ba ang umibig muli.
“It’s about loving someone and the feeling of heartbreak which I’m sure a lot of people have experienced. But I wanted to add a sense of empowerment towards the end of the song that you will be able to love again,” paliwanag ni Geraldine sa kanyang single sa mediacon na ginanap kamakailan.
Sobrang happy rin niya na ang Star Music pa ang magdi-distribute ng song at dream come true raw ito para sa kanya.
Dahil nga tungkol sa love and hearbreak ang kanyang kanta, natanong din ang dalaga kung nagmamahal ba siya ngayon.
“Wala akong dyowa,” sey niya. “Siyempre, if it happens, why not? But as of now, I’m single. I have friends, siyempre, meron akong crush, pero wala akong boyfriend as of now.”
Ang “If I Will Ever Love Again” ay available on various digital streaming platforms.