Default Thumbnail

Jake sa pagkakadawit sa hiwalayang Andi at Philmar: God save the tsismosas

February 9, 2025 Vinia Vivar 207 views

Sa gitna ng problemang namamagitan ngayon sa relasyon nina Andi Eigenmann and Philmar Alipayo, pinagpipistahan din ng netizens ang cryptic post ni Jake Ejercito.

Si Jake ang ex-boyfriend ni Andi at tatay ng panganay na anak ng aktres na si Ellie.

Sa Facebook account ni Jake ay nag-post siya ng isang maikling statement.

“Wala akong feelings about it,” aniya.

Wala nang paliwanag pa or elaboration kung para saan ang post na ito kaya ipinalagay ng netizens na may kinalaman ito sa issue nina Andi and Philmar.

“Uyy sabe n para talaga kayo sa isa’t isa,” sey ng isang netizen at marami naman ang um-agree.

Kaagad namang sumagot si Jake at ipinost ang link ng isang news item kay Vice President Sarah Duterte kung saan ay sinasabi nitong “if I feel betrayed? Actually, wala akong feelings.”

Ayon sa aktor ay doon lang daw nanggaling ang kanyang post kaya tigilan daw ang paglalagay ng sariling interpretasyon.

“Stop putting a spin into the post. Dahil dito lang yan,” ani Jake.

Dagdag pa ng aktor, “God save the tsismosas.”

Natawa naman ang netizens sa paliwanag ni Jake but just the same, isini-ship pa rin siya ng mga ito kay Andi at sana raw ay bigyan daw ulit ng second chance ang kanilang dating relasyon.

“Alam mo ba na hinintay ko talaga itong mangyari? Kasi alam ko na kayo talaga,” sey pa ng isang netizen.

“Take her back!” sabi naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE