Jake game patunayan na ’di peke ang mga ngipin
Itinanggi ni Jake Cuenca na veneers ang kanyang ngipin na matagal nang ini-issue sa kanya ng netizens sa social media.
Sa tsikahan nila ni Gerald Anderson sa episode ng “Chat G.A” sa Drama Moto Club YouTube vlog ay isa ito sa napag-usapan nila habang kumakain.
Sa isang bahagi ng video ay tinanong ni Gerald si Jake kung ano ang pet peeve niya o mga bagay na kinaiinisan o inirereklamo.
Natawa muna si Jake bago sumagot.
“You know, I wanna address this. You know my pet peeve is when people say my teeth are veneers,” pag-amin ng aktor.
Ayon pa sa kanya, lagi niyang nababasa sa online na veneers ang kanyang ngipin.
“Dude, like I see it online all the time. My teeth are not veneers, my guy. They’re my reel teeth,” paglilinaw niya.
Hinamon din niya ang netizens na mag-check sa dental clinic na pinupuntahan niya para patunayang totoo ang kanyang ngipin.
“For everyone there out there right now, you can check GAOC. These things are real,” sabay-pakita ng ngipin niya.
Matagal na nga raw niyang gustong depensahan ang sarili niya sa mga maling akala ng tao.
“Bro, alam mo ‘yung nakikita mo, ta’s gusto mong i-defend ang sarili mo but you’re like… ‘ah, I’ll let that go, it’s fine,’” kwento ng aktor.
Samantala, magkasama sina Jake at Gerad sa Drama Moto Club na samahan ng mahihilg sa motorcycle.
Kasama rin nila rito ang mga kapwa-aktor na sina Sam Milby, John Prats, Marc Solis at Sancho de Las Alas. Kagagaling lang nila sa isang motorcycle adventure sa Davao.