Jakbie

Jak, umamin: Solong paglalakad sa red carpet, pinagkasunduan nila ni Barbie

July 26, 2023 Vinia Vivar 203 views

Sinagot na ni Jak Roberto kung bakit solo silang rumampa sa red carpet ng girlfriend na si Barbie Forteza sa nakaraang GMA Gala 2023.

Ayon sa aktor, napag-usapan nila ito ni Barbie.

“Nag-usap na kami. Kailangan, solo-solo kaming lumakad sa red carpet para mas ma-emphasize ‘yung damit, ta’s makapag-thank you sa designers, mas may spot, kumbaga,” paliwanag ni Jak sa panayam ni Nelson Canlas.

Mukhang may point naman si Jak dahil talagang lumutang nang husto si Barbie that night at na-emphasize ang kanyang bonggang gown.

Maging si Joshua Garcia nga ay gandang-ganda sa suot niya.

Besides, sa red carpet walk lang naman naghiwalay ang JakBie dahil spotted silang magkasama sa party.

AUTHOR PROFILE