Jak sa solong panonood ni Barbie ng ‘Eras Tour’: Deserve!
Finally ay natupad na rin ang dream ni Barbie Forteza na makapanood ng “Eras Tour” ng idol niyang si Taylor Swift.
Makikita sa Instagram account ng aktres ang videos and photos while watching Swift’s concert in Indianapolis, USA.
“It’s been a long time coming,” caption ni Barbie, na isa rin sa mga linya ng kanta ni Taylor na “Miss Americana & The Heartbreak Prince.”
Mapapanood sa videos na masayang-masaya si Barbie sa concert habang sinasabayan ang mga hit song ng idolo na “Cruel Summer,” “All Too Well,” “August,” “Illicit affairs” at “I Can Do It With A Broken Heart.”
Maging ang mga kaibigan at loved ones ni Barbie ay masayang-masaya for her, kabilang na ang boyfriend niyang si Jak Roberto.
“Dream come true mahal! Deserve!!!” komento ni Jak na hindi nakasama kay Barbie sa US.
Matagal nang true-blooded Swiftie (tawag sa fans ni Taylor) si Barbie and very open naman siya about it. Noon pa siya excited na mapanood ang “Eras Tour” pero dahil inuna niya ang pagpapagawa ng bahay for her family, hindi siya makabili ng tiket dahil nanghihinayang siya sa malaking gagastusin.
Sey pa ng aktres noon sa interview, “I just feel like it is a splurge for me” na ang tinutukoy ay ang pagbili nga ng tiket para sa concert tour sa labas ng Pilipinas.
Magugunita ring isa sa mga nawindang si Barbie nang malaman noon na hindi kasama sa listahan ng “Eras Tour” ang Pilipinas.
Nag-post siya talaga at kinuwestiyon kung bakit hindi kabilang ang ating bansa sa Asian tour.
FANS KILIG-KILIGAN SA SHAGAB
Touched na touched si Gabby Concepcion sa sweet gesture ng ex-wife na si Sharon Cuneta na nag-effort na bigyan siya ng birthday cake sa nakaraang show nila sa Canada.
Para sa mga hindi aware, magkasama ngayon sa ibang bansa ang dating mag-asawa para sa kanilang “Dear Heart” USA & Canada tour.
Ngayong Nov. 5 ang birthday ni Gabby at hindi ito nakalimutan ni Sharon.
Sa mga reel na ipinost ng Megastar sa kanyang Instagram Story ay makikitang binigyan niya ng surprise birthday cake si Gabby on stage during their show in Canada last Nov. 2.
“Thank you very much talaga. Kaya love na love kita, eh,” sey ni Gabby sa dating misis at saka ito niyakap.
Sagot naman ni Sharon, “I know, yeah, right?”
Maririnig naman sa background ang sigawan ng audience na halatang kilig na kilig.
Sa isang video naman ay mapapanood na muling nagpasalamat si Gabby dahil nag-imbestiga raw siya at nalaman niyang hindi sa production galing ang cake kundi kay Sharon talaga.
“Wala na naman sa script ‘to, ha? Maraming salamat do’n sa cake na ibinigay mo sa akin. Nag-imbestiga ako do’n sa likod. Hindi galing sa production. Galing talaga sa kanya (Sharon),” sabi ni Gabby.
Kinilig na naman ang crowd lalo na nu’ng sumagot si Sharon.
“Oo naman, binigyan mo ako ng anak,” sey ni Shawie.
In fairness, base sa napanood naming sweet moments nina Gabby at Sharon sa mga video, mukhang good friends na uli sila at sana’y magtuloy-tuloy na nga ito.