Jak

Jak ’di pa handang magsalita

January 4, 2025 Vinia Vivar 57 views

Hindi pa ready si Jak Roberto na magsalita tungkol sa breakup nila ni Barbie Forteza.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday ay sinabi ni Boy Abunda na nag-reach out siya kay Jak para sa side nito hinggil sa breakup pero tumanggi ang aktor.

“We reached out to Jak Roberto pero humiling po siya ng panahon, I mean, some time, bago siya magsalita,” sey ni Kuya Boy.

Pinuri naman ng premyadong TV host si Barbie sa ni-release nitong statement lalo pa nga’t alam niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay sa isang magkarelasyon.

“Any goodbye is painful lalo na in this context of a romantic relationship. Seven years is a long time. Masakit ito.

“Pero ang nakakabilib po is pinili ni Barbie to come from a place of love. Pinili ni Barbie in that statement na ‘ang aalalahanin ko ay ‘yung magagandang mga bagay, you know, we shared a lot of things.’

“She’s coming from a place of love. Hindi lang nag-work pero masakit man, but they were seven wonderful years. ‘I became who I am today because of you, because of that relationship,’” pag-aanalisa ni Kuya Boy.

Ramdam din niya ang pain ni Barbie sa sinabi nitong wish niyang makatagpo si Jak ng love na deserve nito.

“Masakit po ‘yun, eh. After seven years, you say, ‘sana, makahanap ka ng magmamahal sa ‘yo.’ She must be in pain, Jak must be in pain and we respect that,” ayon pa kay Kuya Boy.

Aniya pa ay ayaw niyang mag-speculate kung ano ang dahilan ng hiwalayan lalo pa nga’t napakarami nang lumalabas na ispekulasyon sa social media.

“I think, we should be praying na sana’y maging maayos. Kasi, seven years from now, when we look back, we’ll be able to connect the dots, ‘kaya pala ganu’n,’” sey ng TV host.

“Barbie choosing to come from that space of maturity and love ay kahanga-hanga,” papuri niya kay Barbie.

Nabasa rin daw niya ang cryptic post ng kapatid ni Barbie at ayaw na niyang bigyan pa ng ibang meaning ang mga bagay na hindi niya alam.

“I don’t wanna go into that because I might be putting meaning into some things that we don’t know. Hayaan natin sila mag-heal, but don’t get the statement wrong. It is a painful experience,” pahayag ni Kuya Boy.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang TV host para kina Jak at Barbie.

“So, Barbie, you take good care of yourself, maraming salamat for sharing with us your statement. And Jak, mag-ingat kayong dalawa, God bless the both of you,” saad ni Kuya Boy.

AUTHOR PROFILE