Barda1

Jak atat manood ng BarDa movie

June 21, 2024 Vinia Vivar 116 views

Thankful si Barbie Forteza na napaka-understanding ng boyfriend niyang si Jak Roberto and since day 1 ay suportado nito ang loveteam nila ni David Licauco.

Kaya naman all-out din ang support ni Jak sa first movie ng BarDa na That Kind of Love directed by Catherine Camarillo and produced by Pocket Media Productions, Inc.

Kwento ni Barbie sa grand mediacon ng movie last Thursday, si Jak pa ang nagtanong kung kailan ipalalabas ang That Kind of Love.

“Sabi ko, July 10 sa sinehan. Sabi niya, ‘o, eh, kelan natin papanoorin?’” tsika ng aktres.

Ayon pa sa aktres, sobrang naa-appreciate niya ang support ni Jak sa kanya.

“Hindi ko ma-describe kung gaano kalaki ang suporta niya sa akin pero siguro, hindi ko kumportableng magagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon kung hindi siya full support sa akin,” sey niya.

Samantala, sa naturang mediacon ay nagbahagi rin ang BarDa ng experience nila shooting the film in South Korea.

“Kasama namin si Divine (Aucina, one of the cast). Tatlo kami sa Korea. Sobrang saya kasi nalibot namin ‘yung mga famous K-drama locations.

“Actually, ‘yung wall na nilalakaran namin ni David du’n sa ending ng trailer, ginamit siya sa isang K-drama na project,” kwento ni Barbie.

Pero ang isa hindi raw niya makakalimutan ay ang eksena nila sa tunnel dahil lamig na lamig siya.

Para naman kay David, memorable sa kanya ang eksena nila sa crossing, sa gitna ng daan.

“Actually, lahat ng scenes, memorable dahil ‘yung mga locations na kung sa’n kami nag-shoot ay talagang ‘yung mga sikat doon, ‘yung mga very artistic, ‘di ba?

“Pero para sa akin, pinaka-memorable ‘yung nandu’n tayo sa crossing dahil romantic siya, buwis-buhay, saka maraming tao, tapos malamig. Actually, super-saya siya.

“And na-enjoy ko rin ‘yung nagpunta kami sa Itaewon dahil super-fan ako ng Itaewon Class na TV show,” ani David.

Sa trailer pa lang ay mabubusog ka na sa kilig moments ng BarDa kaya for sure ay aabangan ng kanilang fans ang showing ng pelikula sa July 10.

Kasama rin sa movie sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jeff Gaitan, Ivan Caraplet at Kaila Estrada.

RESIBO NG PANANABOTAHE, INILABAS

Naglabas ng resibo si Heart Evangelista na talagang may sumasabotahe sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ng fashion icon ang screenshot ng isang netizen na hindi mabuksan ang kanyang IG account.

Makikita ang notification ng IG sa netizen na nagsasaad ng “Try again later. We restrict certain activity to protect our community. Let us know if you think we made a mistake.”

Caption ng netizen, “Someone is fu***** up @iamhearte ‘s Instagram! Ang desperado!”

Sa caption naman ni Heart ay nagpasalamat siya sa netizen for informing her pero ayaw na niyang paapekto pa rito.

“Thank you my love but this time around they can report and sabotage all they want. not here anymore for numbers, clout or work (in a sense.) I’m here to LIVE and SHOP,” sey ng aktres.

Matatandaan na minsan na ring inireklamo ni Heart ang pananabotahe at black propaganda na ginagawa ng iba sa kanyang fashion videos.

Hanggang ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang mga ito at kung bakit ito ginagawa sa kanya.

AUTHOR PROFILE