Default Thumbnail

Jail officer patay sa pamamaril sa Sto.Tomas, Batangas

June 4, 2023 Zaida I. Delos Reyes 276 views

PATAY ang isang jail officer matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect Sabado ng gabi sa Sto Tomas City, Batangas.
Nakilala ang biktima na si Jail Officer 1 Leonardo Carona, nakatalaga sa Cabuyao City Jail sa Laguna.

Batay sa ulat ng PNP, ang insidente ay naganap dakong 8 p.m. sa Barangay San Miguel, Batangas City.

Isinasara umano ng biktima kasama ang kanyang asawa ang kanilang mini-grocery store nang biglang dumaan ang suspect lulan ng motorsiko at pinagababaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspect habang isinugod naman sa St Canrini Medical Hospital ang biktima subalit nasawi din matapos ang 45-minuto.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente. Nina ZAIDA DELOS REYES & JOJO MAGSOMBOL