Jackywoo

JACKY, BET MAKATRABAHO SI ATE VI

February 13, 2023 Ian F. Fariñas 432 views

SAGLIT na bumisita sa Pilipinas ang Japanese actor-director-producer na si Jacky Woo last week para umano sa isang potential na pelikula rito.

Sa pakikipag-chikahan niya sa ilang kaibigang press, ibinalita ni Jacky na posibleng magpa-audition sila para makahanap ng bagong artista na magiging leading lady niya.

Matatandaan na dati nang lumalabas si Jacky sa Pinoy movies at Kapuso shows (tulad ng Bubble Gang) bago nag-pandemic.

Nakasama na rin niya sa ilang proyekto sina Cesar Montano, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, atbp.

Nang tanungin kung sino pa ang Pinoy actor o actress na gusto niyang makatrabaho, walang kagatul-gatol siyang sumagot ng, “Vilma Santos.”

Kwento ni Jacky, paborito niya si Ate Vi at naiyak siya sa husay nito sa pelikulang Anak.

Sakaling matupad ito, may naisip na siyang istorya para sa kanilang dalawa at ito’y tungkol sa professional rivals na aso’t pusa man ay nanatili pa ring mabuting magkaibigan.

“Gusto ko kasama siya pelikula. Me, president, siya, number 2 sa company. Ako, number 1. Sa trabaho lagi trouble. Pero okey kami,” kwento pa ni Jacky.

AUTHOR PROFILE