Iza1

Iza, kontra sa gender reveal

November 21, 2022 Jun Nardo 309 views

AYAW ng actress na si Iza Calzado sa gender reveal ng anak na ginagawa ngayon ng maramng celebs na buntis.

Sa social media post ni Iza, alam na nila ng asawang si Ben Wintle ang kasarian ng anak nang hindi sinasadya.

“Sorry it’s sex reveal. Gender is an expression and we cannot reveal it,” bahagi ng rason ni Iza sa pagtanggi niyang ibahagi sa publiko kung babae o lalaki ang ipinagbubuntis.

Sa dagdag na pahayag pa ng actress, mas gusto raw niyang hilingin na magkaroon ng good health ang isisilang na anak at hingin ang dasal para sa bata.

Ano kaya ang sey ng ilang celebs na talagang ipinangangalandakan ang gender reveal ng magiging anak lalo na kapag meron silang vlog o YouTube channel, huh?

AUTHOR PROFILE