Iza balik-Kapuso sa ‘Green Bones’
BALIK-KAPUSO ang aktres na si Iza Calzado sa MMFF 22024 entry ng GMA Pictures and Public Affairs na “Green Bones.”
Hindi diretsong sinagot ni Iza kung magbabalik na siya sa GMA na una niyang tahanan bago lumipat sa Kapamilya Network.
Sinabi ng aktres kaya nasa “Green Bones” siya ay dahil sa script na nabasa niya na talagang nagustuhan niya ang role at tumama sa puso niya ang kuwento.
Pero kung may darating daw na offer mula sa GMA for a series na gusto niya at wala namang conflict sa pagiging ina niya, eh, hindi malayong tanggapin niya.
Anyway, sa “Green Bones,” sina Dennis Trillo at Ruru Madrid ang co-stars niya pati na ilang senior stars gaya nina Michael de Mesa, Ronnie Lazaro at iba pa mula sa direksyon ni Zig Dulay, na director ng “Firefly” sa MMFF last year.