Badoy

Iwas gulo pag Leni umaming talo

May 13, 2022 Lee Ann P. Ducusin 65 views

MALAKING bagay para mawala ang pangambang bumabalot sa taumbayan ngayon kung mismong si Leni Robredo na ang mag-concede at tanggapin na talo siya sa nakalipas na May 9 elections.

“The VP can do a lot to not let this (violence) happen and one of that is by conceding,” ani National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy.

“Nag-concede na lahat ng presidential candidates. In fact within 24 hours a lot of them. Dapat ganon, tapos humupa na wala ng ganon ang (sa) ating proseso,” wika pa niya.

Reaksiyon ito ni Badoy kaugnay sa kumpirmasyon ng National Intelligence Coordinating Agency na ang banta ng gulo ay higit na mataas ngayon dahil may mga puwersang ginagamit umano ang resulta ng eleksiyon para lamang magkaroon ng kaguluhan.

“Our NSA (National Security Adviser) has already asked that she do it (concede) so that we can unite the people to rally behind the incoming president. This will really dissipate a lot of anxieties and could unite our people. She should concede,” wika pa ni Badoy.

Aniya, ginagamit ang isyu ng hindi pagtanggap ni Robredo sa resulta ng electoral process upang makapag-recruit umano ng kabataan na sumama sa protest rally.

Para kay Badoy, walang dahilan upang maghimutok si Robredo tungkol sa pagkakatalo ngayong eleksiyon dahil malinaw ang pagkapanalo ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) mismo ang nagsabi at hindi lang landslide ‘yun. Massive landslide ‘yon. Unprecedented so maliwanag na nagsabi na ang taumbayan,” ani Badoy.

Bilang bise-presidente ng bansa, malaking bagay kung tumanggap ito ng pagkatalo upang hindi na mapagsamantalahan ng kahit sinong grupo.

“Ang concession speech ay isang pagrerespeto sa nangyaring proseso na dinaanan natin at isang function n’un ay para talaga nagkakaintindihan tayo na kapag election pwede tayong mag-away kasi demokrasiya ito but when it’s very clear that there is already a credible winner then everybody closes (ranks) and you rally behind the new leader because you understand that the job is really – ganoon ang democratic process na maayos,” dagdag pa ni Badoy.

Ang NTF-ELCAC, kasama ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at intelligence community, ay patuloy na nagbabantay ngayon para maiwasan ang gulo.

Ang maganda lamang ngayon aniya ay hindi lamang ang Commission on Elections at PPCRV ang nagpahayag na naging malinis, maayos at walang nangyaring dayaan noong nakaraang eleksiyon, kundi kinilala na rin ito ng mga “world leaders” na nagpaabot ng pagbati kay Marcos.

“World leaders all over the world have acknowledged and given their congratulations to the incoming president who won not just a landslide but an amazing landslide. Very clear and loud mandate from the Filipino people,” sabi pa ni Badoy. Ni LEE ANN P. DUCUSIN

AUTHOR PROFILE