Ivana Alawi

Ivana umaming may lalaking dine-date, malapit na magka-dyowa

September 24, 2023 Vinia Vivar 234 views

Inamin ni Ivana Alawi na mayroon siyang guy na idine-date ngayon although aniya, hindi pa naman niya ito boyfriend.

Sa kanyang latest vlog with Andrea Brillantes ay tinanong sila ng kapatid niyang si Mona Alawi ng “are you seeing someone right now?”

Umamin naman agad si Ivana.

“Ako, yes,” aniya.

Nagulat si Andrea at sey niya, “Oh, my God, ate, makapag-usap tayo dito, may kinikita ka na pala!”

Sabi naman ni Ivana, “Hindi naman kinikita pero meron.”

Tanong ni Blythe (Andrea), “Pero hindi dyowa?”

Sagot naman ng kapatid ni Mona, “Hindi. Yeah, getting to know.”

Sey ulit ni Andrea, “Half-single ka, ganyan?”

Nilinaw naman ni Ivana na hindi pa siya nagku-commit kaya hindi pa matatawag na half-single.

Sey pa niya, “Gusto ko ‘yung nagpapaasa pero ngayon, ayoko nang magpaasa.”

Magbabago na raw siya at hindi na magpapaasa ng guys.

Hirit pa ni Ivana, mukhang malapit na siyang magka-dyowa.

“Babalitaan ko naman kayo,” promise pa niya.

‘Yun nga lang, wala nang sinabi si Ivana sa identity ng guy, kung artista ba ito o non-showbiz.

Well, wait na lang tayo for further announcement sakaling matutuloy nga ito sa isang relasyon.

AUTHOR PROFILE