ivana

Ivana, namigay ng nilutong adobo

June 8, 2021 Vinia Vivar 492 views

Umabot na sa 13 million ang subscbribers ni Ivana Alawi sa YouTube kaya naman ipinagdiwang niya ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng charity work.

Namahagi si Ivana ng mga biyaya sa 1,300 katao bilang pasasalamat. Bawat isa ay binigyan niya ng ecobag na naglalaman ng mga paborito niyang pagkain kabilang na ang “Adobo ala Ivana” na siya mismo ang nagluto.

Bukod sa bag na puno ng pagkain ay namigay din siya ng P1,000 sa mga ito.

Makikita sa latest vlog ni Ivana na siya mismo ang nag-repack ng mga ipinamahagi katulong ang kapatid na si Hashim at ang ang kanyang ina.

Kapansin-pansin na wala ang younger sister na si Mona sa video na pinagpahinga muna nila dahil nagpapagaling pa ito.

Dalawang araw ang inabot ng pamamahagi ni Ivana ng ecobags, 650 bags sa day 1 and another 650 sa day 2.

Maging si Ivana ay hindi makapaniwala sa bilis ng pag-akyat ng bilang ng kanyang subscribers.

“Hindi pa rin ako makapaniwala, sobrang bilis ng pangyayari. Hindi yata ako nakapag-celebrate ng 12 million pero ito kasi, pinaghandaan ko talaga. Ilang buwan ko na siyang nire-ready, ’yung mga ipapamigay,” aniya.

“Mas maganda talaga na ibalik ang blessing. This is my own small way of celebrating a milestone,” dagdag pa niya.

Matatandaang August, 2019 lang nagsimulang mag-vlog si Ivana at first video pa lang niya ay nag-hit agad.

Mula noon, halos lahat ng videos niya ay milyun-milyon ang views.

After a year ay naka-10M subs na siya agad at ngayon ay isa na sa pinakasikat na vloggers sa bansa.

AUTHOR PROFILE