Ivana

Ivana, may sariling Kapamilya serye

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 265 views

Si Ivana Alawi ang pinakagusto ng mga netizen na gumanap bilang si Valentina sa Darna: The TV Series ng ABS-CBN at pagbibidahan ni Jane de Leon, pero noong Friday nga, in-announce na ng Kapamilya Network na si Janella Salvador ang top villain sa nasabing fanatserye.

Ayon sa isang nakausap namin, imposible raw na maging kontrabida sa Darna: The TV Series si Ivana dahil wala namang offer na ganoon sa isa sa mga top social media influencer.

Nagtataka nga raw sila kung bakit parang lumabas na isa si Ivana sa mga pinagpilian sa fantaseryeng ‘yon dahil ibang Kapamilya series daw ang pagbibidahan ng sexy actress-influencer.

Noong Wednesday nga raw ay nakipag-meeting na si Ivana at ang kanyang management team kaugnay ng project na ‘yon.

Malamang daw na sa January simulan ang Kapamilya series na pagbibidahan ni Ivana.

So, malinaw na, huh!

AUTHOR PROFILE