Ivana, hindi kailangan ng regalo
Kailangan pa ba ni Ivana Alawi ng mga regalo? Para sa followers ng celebrity vlogger/actress, isa itong capital “NO.”
Para sa kanila, hindi na ito need ni Ivana dahil isa siya sa top YouTubers sa bansa na diumano’y kumikita ng milyon-milyon sa isang buwan.
Top 4 din ang channel niya at sa 18.5 million subscribers, pwedeng-pwede na nga raw itong kumandidato sa pagka-senador.
Pag-alala pa ng followers ni Ivana, minsan na niyang nabanggit sa vlog noong 2023 na isang milyon kada araw ang kinikita niya. Eh, ngayong 2025, magkano na kaya ang daily revenue niya?
Ni hindi nga raw pera ang motivation niya sa pagba-vlog at isa siya sa diligent taxpayers.
“Pero guys, nagbabayad ako ng tax, ‘di ko lang gusto i-disclose kasi baka sabihin (ng iba) ‘Ay, nagyayabang.’ Hindi, pero dahil tinatanong n’yo nang tinatanong, ayan,” sabi pa ng actress.
Sabagay, sa live selling nga, kumikita umano ang Kapamilya actress ng mahigit P10 milyon sa loob lamang ng ilang oras, eh. Nagba-viral pa ‘yan, ha.
Sa isang panayam din sa TikTok Summit kamakailan, sinabi niya na halos dalawang taon na siyang nagla-live selling.
“I’ve been doing livestreams for more than a year. Siguro two years. I’m not sure pero mga ganu’n,” pagbabahagi ni Ivana sa interview.
Kung hindi nga lang daw sila nauubusan ng stocks, malamang higit pa sa eight digits ang kitain nila. Stocks talaga ang nauubos, hindi online buyers.
Anyway, dati na rin niyang sinabi na ‘yung kinikita niya sa Tiktok, napupunta sa pamilya niya. ’Yung YouTube at showbiz earnings naman niya, ini-invest ni Ivana sa iba’t ibang properties.
Dahil dito, mapapatanong ka na lang: Magkano na nga kaya ang net worth ng isang Ivana Alawi ngayong 2025?
Contrary sa mga naiintriga, may point ang ilang netizens na hindi na kailangang maghintay ng regaloni Ivana dahil kayang-kaya naman niyang bilhan ang sarili niya ng mga ito.