Ivana

Ivana gumastos ng P600,000 para sa limited edition na upuan

November 24, 2024 Vinia Vivar 79 views

Finally ay nagpa-house tour na si Ivana Alawi sa kanyang vlog na matagal nang nire-request ng fans and netizens.

Matatandaang nagpagawa si Ivana ng bonggang bahay para sa kanyang pamilya at ilang taon ding pinaghirapan ng aktres/influencer ang construction nito.

Ngayong tapos na nga ang kanyang dream house ay dito na sila nakatira.

“Matagal ko na pinag-iisipan kung magha-house tour ba ako or gagawin kong private ang house pero napag-isip-isip ko, I think sa sobrang dami niyo ng nagre-request, iha-house tour ko na kayo,” sey ng aktres.

“Gusto ko rin siyempre na makita n’yo ‘yung pinaghirapan natin,” dagdag pa niya.

Una niyang ipinakita ang eleganteng living room na aniya ay dream area niya dahil dito tumatambay ang barkada at pamilya niya.

Makikita nga agad ang kanyang mga bonggang furniture at sala set na ginastusan niya nang malaki.

“Dito talaga ako nag-invest sa mga Italian furniture. Dati kasi, hindi naman ako marunong ng mga ganyan. Pero na-realize ko, dapat mag-invest ka sa magagandang furniture na tatagal talaga,” sey niya.

Ipinakita ni Ivana ang favorite piece niya sa living room na kung tawagin daw ay Mama Chair. Take note, nagkakahalaga ito ng P600,000.

“Pinag-isipan ko talaga kasi ang mahal niya. Parang P600,000 ‘to. It’s a statement,” aniya.

“This is limited edition kasi iilan lang ang meron nito sa mundo,” dagdag pa niya.

“This is actually also from Italy and iisa na lang ‘yung meron na color beige and I think, dito sa bansa, two pieces lang ang meron sa Philippines, so isa tayo sa may-ari,” paliwanag pa niya sa Mama Chair.

Isa rin sa agaw-pansin sa house ni Ivana ay ang kanyang dining chairs na paliwanag niya ay designed by the same company na nag-design ng Ferrari chairs.

“Alam n’yo kung gaano ko katagal ‘to pinag-isipan kung bibilhin ko ba siya or hindi. Kung sinong gumawa ng Ferrari chairs, ito rin ‘yung nag-design,” tsika niya.

Sa bedroom naman niya ay makikita ang view ng kapaligiran na bet na bet niya.

“Isa rin sa favorite ko talaga dito is ‘yung view. Alam n’yong mahlig ako sa bundok and all and ganun ‘yung view niya paggising pa lang,” sey niya.

KARLA PROUD LOLA

Proud lola na si Karla Estrada dahil isinilang na ang kauna-unahan niyang apo mula sa panganay niyang anak na si JC Padilla at misis nito na si Nathalia Valdivia.

Ipinasilip ng TV host/actress sa kanyang Instagram Stories ang larawan ng maliit na kamay ng kanyang apo.

“Greatest birthday gift ever,” caption niya.

Nagdiwang ng kaarawan si Karla noong Nov. 21 kaya naman ang kanyang apo ang itinuturing niyang pinakamagandang regalo.

Sa isang separate post, ipinakita ni Karla ang ilang happy moments ng kanyang birthday celebration kasama ang kanyang mga anak.

AUTHOR PROFILE