Ivana Alawi

Ivana, emosyonal sa hirap na pinagdadaanan ng kapatid

June 15, 2021 Vinia Vivar 223 views

Naging emosyonal si Ivana Alawi sa kanyang sa latest vlog sa YouTube kasama ang dalawang kapatid na sina Hashim at Mona.

Matatandaang kamakailan ay ni-reveal ni Mona sa vlog ng ate niya na may type 1 Diabetes siya since 2011 and lately ay talagang lagi siyang naho-hospitalize because of her high sugar level.

Sa tanong ni Mona sa dalawang kapatid kung ano ang ugaling pinakaayaw ng mga ito sa kanya, dito na nagsimulang maging emosyonal si Ivana.

“Hindi kasi, si Moawana, siya ‘yung type na person na sobrang lakas niya,” simula ni Ivana.

Patuloy niya, at a young age ay napakarami na raw pinagdaanan ng nakababatang kapatid.

“Ang dami niyang pinagdadaanan, na kahit ako, lagi kong sinasabi, ang dami kong pinagdaanan na experiences pero si Mona, mas marami siyang pinagdaanan kasi she’s been through pain at a young age, ’di ba? And she’s been through so much,” ani Ivana na napapaiyak na.

At this point ay naging emosyonal na rin si Mona.

“Nagkakaroon na siya ng time lately na parang gusto na niyang mag-give-up. Lagi niyang sinasabi, ’10 years na ‘ko nasasaktan na parang bakit ko pa ba itutuloy?’ ‘Yun lang ‘yung ayaw ko sa kanya,” ani Ivana.

Hindi naman daw mabilis mag-give-up talaga si Mona since ilang years na nga raw itong lumalaban sa sakit.

Pero nalulungkot daw ito minsan at napapagod na rin.

“Hindi naman siya naggi-give-up na ‘yung dumarating sa alam n’yo na. Pero parang naaano lang siya, she’s losing hope na to become normal and to feel normal,” she said.

Nagbigay din si Ivana ng mensahe sa kapatid.

Aniya, “Always pray and we’re here for you and gagaling ka and you will be better.”

Sinabihan din niya ang kapatid na bawal mag-give-up at magkakaroon pa raw ito ng sampung anak in the future.

AUTHOR PROFILE